Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren David vs Sandoval Malabon

Mag-asawang Sandoval, kinasuhan sa Good Friday campaign

043025 Hataw Frontpage

SINAMPAHAN ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) ang mag-asawang sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at former congressman Ricky Sandoval kasunod ang pangangampanya nito kahit Good Friday sa kalagitnaan ng prusisyon sa Barangay Dampalit.

Sa reklamong inihain ni Darren David, taxpayer at lehitimong residente sa Malabon, noong Biyernes Santo, 18 Abril, mismong sina Mayor Sandoval at ang mister nitong si Ricky ang namimigay ng mga campaign leaflets at iba pang materyales sa pangangampanya habang nagaganap ang prusisyon sa barangay.

Sa personal na paghahain ng reklamo ni David sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, sinabi niyang nilabag ng mag-asawang kandidato ang Section 5 (b) ng Republic Act 7166 at Comelec Resolution No. 11086 na mahigpit nagbabawal sa pangangampanya sa panahon ng Semana Santa, partikular ang Maundy Thursday at Good Friday.

Si Mayor Sandoval ay kumakandidato para sa reeleksiyon ng pagkaalkalde samanta si Ricky ay tumatakbo para sa pagka-kongresista ng lungsod.

Kaugnay nito, hiniling ng petitioner sa Comelec na aksiyonan ang paglabag ng mag-asawa sa pamamagitan ng deskalipikasyon upang maipakita sa mga mamamayan na walang mas nakatataas sa mga batas na umiiral sa bansa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …