Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Money Thief

Sa Pasig City
P4-M pondo ng SK tinangay suspek na trike driver timbog

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang 23-anyos tricycle driver dahil sa alegasyong pagnanakaw ng P4-milyong cash na nakalaan para sa mga proyekto ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Brgy. Pinagbuhatan, sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa ulat mula sa pulisya, nilooban ng suspek na kinilalang si alyas Jomar, kasama ang kaniyang kasabwat na kinilalang si alyas JD, ang Pinagbuhatan Child Development Center nitong Linggo, 27 Abril.

Nadiskubre ng ilang opisyal ng SK na winasak ang cash vault na pinagtataguan ng pondo.

Lumabas sa imbestigasyon na inakyat ng mga suspek ang dingding ng isang bahay upang makapasok sa gusali saka sinira ang kisame ng ikalawang palapag nito upang makapasok sa tanggapan ng Sangguniang Kabataan.

Bukod sa salapi, tinangay din ng mga suspek ang ilang CCTV camera upang pagtakpan ang kanilang ginawang krimen saka tumakas sakay ng tricycle na minamaneho ni alyas Jomar.

Agad nagsagawa ng backtracking ang pulisya at nagkasa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Jomar habang nananatiling nakalalaya ang kaniyang kasabwat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …