Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPAT
ni Mat Vicencio

ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng 3rd District ng Maynila matapos siguruhin ang panalo ni dating Mayor Isko “Yorme” Moreno sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo 12.

Sa mahabang taong panunungkulan bilang barangay chairman, saksi si Nelson sa maayos na pamamalakad ni Yorme kabilang na ang suportang ibinigay sa kanilang lugar sa Chinatown na matatagpuan sa Binondo.

Ang pagbibibigay prayoridad na tulungan ang mahihirap at nangangailangan bilang pangunahing programa ni Yorme ang nagtulak kay Nelson para ikampanya ang dating alkalde ng Maynila.

“Sa muling pagharap sa kanyang tungkulin, magiging matagumpay si Yorme bilang ama ng lungsod ng Maynila, at ‘yan ay dahil sa kanyang political will!” pagdidiin ni Nelson.

At kung papalarin naman na maluklok bilang konsehal, magiging katuwang si Nelson ni Yorme sa pagpapaunlad ng Maynila kabilang ang mga programang pakikinabangan ng mamamayan sa kanyang pagsisilbihang distrito.

“Libreng maintenance medicine sa mga senior citizens ang mismong ipamamahagi sa kani-kanilang bahay tuwing katapusan ng buwan. Hindi na sila pipila at tutulungan sila ng kanilang mga barangay officials para sa mabilisang serbisyo,” paliwanag ni Nelson.

Bukod sa pamamahagi ng libreng gamot, pagkakalooban din ni Nelson ng free legal service ang mga seniors at maging ang mga persons with disability o PWD na mahaharap sa mga legal na problema o usapin.

Pagtutuunan din ng pansin ni Nelson ang problema sa peace and order sa pamamagitan ng pamamahagi ng CCTV units na pangangasiwaan ng mga punong barangay para higit na ma-monitor o mabantayan ang maaaring mangyaring krimen sa kani-kanilang barangay na nasasakupan.

Halos ilang araw na lang at magdedesisyon na ang taongbayan kung sino ang karapat-dapat na ihalal para makapagsilbi nang tapat bilang isang lingkod-bayan. Bigyan natin ng pagkakataon si Nelson Ty!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …