Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Verzosa

SV ‘di totoong ubos na ang pera: nabawasan lang

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY tsismis na ubos na raw ang pera ni Sam Verzosa sa pangangampanya bilang alkalde ng Maynila.

Na sa katutulong niya sa mga tao, wala na raw siyang pera.

Hindi naman… nabawasan,” pakli ni Sam o SV. “Siyempre naman ang daming humihingi ng tulong, talagang mababawasan.

“Kaya kailangan kong kumayod, kailangan kong magnegosyo. Kaya nga kaka-re-launch lang namin eh.

“Nag-launch ako ng mga bagong product at ngayon sobrang lakas ng benta, ganoon ‘yun eh,” pagtukoy ni Sam sa dating Luxxe White na naging Luxxe White Ultima ng Frontrow.

Pagpapatuloy pa ni SV, “Alam mo, you think of ways paano mong masu-sustain ‘yung ginagawa mo, eh ‘di mag-isip ka ulit, ang maganda roon, nagawa ko na dati, hindi na siya bago sa akin eh.

“Alam mo, ‘pag natikman mo ang success, madali lang i-repeat ‘yan. You know what it takes eh, discipline, focus, creativity, consistency, hard work, lahat ‘yan normal na sa akin.

“Hindi iyan ‘yung tipong pinag-aralan ko pa. So kung ano man ang ginawa ko dati, uulitin ko lang para mas kumita ako, mas makatulong pa ako sa mas maraming tao.

So ‘yung mga tsismis na… kasi naniwala sila sa campaign namin, ‘di ba pinasakay natin kunwari na titigil namin ‘yung pagbebenta? 

“Sinakyan naman niyong mga kalaban natin na nagsara ‘yung kompanya, eh sumakay lang naman sila sa… it’s just a marketing strategy. 

“Ngayon pinag-usapan tayo ng lahat, ‘yun pala we came out bigger, better, and stronger.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …