Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Neumann

Mark hindi itinago pagkakaroon ng anak

RATED R
ni Rommel Gonzales

BALIK-SHOWBIZ si Mark Neumann makalipas ang anim na taon.

Muling mapapanood si Mark sa big screen sa isinu-shoot na action movie na Beyond the Call of Duty.

Bakit nga ba nanahimik ng anim na taon si Mark?

“I just wanted to raise my son in peace and you know, to try something else as well.”

Six years old na ang anak na lalaki ni Mark na si Martin na ang ina ay isang Cebuana na non-showbiz.

“I’m a single dad, I’m co-parenting,” pahayag ni Mark, na wala raw karelasyon ngayon.

Hinding-hindi itinago ni Mark sa publiko ang kanyang anak.

Probably hindi lang nakita siguro but I brought my son to my tapings.”

Maging sa social media niya ay ipinakikita niya ang kanyang anak.

“I have videos of him. It’s just not that often because, again, I do really appreciate my private life other than work life.

“So yeah, he’s seen there. No problem.”

Bakit raw niya itatago ang anak niya.

Why would I? That’s my son.”

Bukod sa pag-aartista ay may negosyo si Mark sa Cebu na isang café.

Samantala, bukod kay Mark, ang mga bumubuo ng cast ng Beyond The Call of Duty ay sina Sparkle actor Martin del Rosario, Jeffrey Santos, Teejay Marquez, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson.

Ang direktor nito ay si Jose “JR” Olinares na supervising producer din ng pelikula.

Ang Beyond The Call Of Duty ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa.

Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy Ray Oyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer.

Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.

Ang PinoyFlix Films and Entertainment Production ang magre-release ng pelikula sa May 28.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …