Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katrhryn Bernardo TCL

TCL at Kathryn Bernardo patuloy na magbibigay ginhawa sa pamilyang Filipino

MULING pinagtibay ng TCL Electronics, isa sa mga nangungunang TV brands sa buong mundo at lider sa larangan ng consumer electronics ang kanilang matatag na ugnayan sa Asia’s Superstar at Box Office Queen, Kathryn Bernardo, bilang kanilang pangunahing endorser at brand ambassador kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo sa Pilipinas.

Ang contract signing na ginanap noong Enero 23 sa Studio Simula ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng TCL kabilang sina Deputy Marketing Director Shae Xiaoling Yu at Brand Manager Joseph Cernitchez. Kinatawan naman si Kathryn ng kanyang mga co-manager na sina Lulu Romero at Kali Vidanes, Account Manager ng VCM The Celebrity Source—ang ahensiyang naging susi sa matagumpay na kolaborasyong ito.

“This partnership is built on authenticity,” ani Cernitchez. “We’re thrilled to celebrate Kathryn’s third year with TCL. Her genuine connection with the Filipino audience and her influence as a trusted icon have made her a perfect fit to champion our message of ‘Inspire Greatness.’”

Nagpahayag si Kathryn ng taos-pusong pasasalamat at inilahad kung paano naging bahagi ng kanyang personal na buhay—at ng maraming Filipino—ang mga produkto ng TCL.

“I’m incredibly happy to have contributed to TCL’s rise to the top. I’ve personally experienced the quality of their products—and they truly make life better,” pagbabahagi ni Kathryn. “I especially love my TCL QLED Pro TV. It helps me relax, bond with family, and enjoy my downtime despite my hectic schedule.”

Ipinunto ni Kathryn ang makabago at praktikal na disenyo ng mga produkto ng TCL na sumasalamin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng modernong Filipino.

“TCL products are made with us Filipinos in mind. Whether it’s for entertainment, work, or staying connected—TCL continues to innovate in ways that make technology truly part of our daily lives.”

Sa ikatlong taon ng kanilang pakikipagtulungan, itinuturing na ngayon ang tambalang TCL at Kathryn bilang isa sa mga pinakamatagumpay at makapangyarihang celebrity-brand collaborations sa bansa. Muling itatampok si Kathryn sa mga bagong kampanya ng TCL para sa kanilang pangunahing produkto gaya ng TVs, Washing Machines, Air Conditioners, at Refrigerators, na layuning maghatid ng smart, stylish, at eco-conscious na teknolohiya sa mga tahanan ng bawat Filipino.

Habang patuloy na nagsusulong ng makabagong solusyon, lalo pang pinatatag ng TCL at ni Kathryn ang kanilang ugnayan para sa mas makulay na 2025.

“2025 is going to be an exciting year,” dagdag ni Cernitchez. “And having Kathryn with us—someone who embodies the spirit of greatness—is something we’re proud of. Expect bigger campaigns and even more groundbreaking products ahead.”

Sa likod ng bawat matagumpay na partnership ay isang maaasahang katuwang—at sa kasong ito, ay ang VCM The Celebrity Source. Sa kanilang mahigit na tatlong dekadang karanasan sa brand strategy, celebrity management, at influencer marketing, naging mahalagang tulay ang VCM sa pag-uugnay ng TCL at ni Kathryn.

Itinatag ni Elizabeth Alviar-Vidanes, ang VCM na kinikilala bilang isa sa mga nangungunang ahensiya sa bansa pagdating sa pagbuo ng tunay at epektibong ugnayan ng mga kilalang personalidad at malalaking brands sa bansa. Sa kanilang malawak na karanasan sa paghahanap ng tamang brand at ambassador match, patuloy nilang binabago ang larangan ng celebrity marketing sa Pilipinas.

Mula kina Senator Robin at Mariel PadillaMiss World Megan Young at asawang Mikael Daez,kapatid na si Emilio Daezpower couple Juancho Trivino at Joyce Pring at Kapuso actress Jasmine Curtis Smith, hanggang kay Kathryn para sa TCL, ang VCM ay hindi lamang naghahatid ng endorsements, kundi ng mga makapangyarihang kuwento ng tagumpay.

Sa pagpasok nito sa isang bagong yugto, naghahanda na ang VCM para sa isang smooth na generational transition sa pangunguna ni Kali Vidanes. Bitbit ang matibay na karanasan sa influencer marketing, client servicing, at brand management, inaasahang bibigyan ng makabagong pananaw at sigla ni Kali ang VCM. Nagtapos ng MBA sa Marketing Management mula sa Asian Institute of Management at may aktwal na karanasan bilang Account Manager ng kompanya, handa na si Kali na palawakin, higit pang patatagin at dalhin ang VCM sa makabago at digital na panahon ng influencer-driven partnerships.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …