Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Knife Blood

Masaker sa Antipolo 7 patay sa pananaksak

BINAWIAN ng buhay ang pitong indibiduwal matapos pagsasaksakin sa loob ng isang panaderya sa Purok Uno, Brgy. Cupang, sa lungsod ng Antipolo, nitong Martes, 22 Abril.

Kinompirma ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Felipe Maraggun na pawang mga empleyado ng panaderya ang pitong biktima.

Base sa paunang imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang wala nang buhay na mga katawan ng mga biktima dakong 6:00 ng umaga kahapon at iniulat sa pulisya dakong 8:00 ng umaga.

Samantala, agad sumuko ang suspek, empleyado rin ng panaderya, matapos ang insidente.

Ayon sa suspek, pinagpaplanohan ng kaniyang mga katrabaho na patayin siya kaya inunahan na niyang kitilin ang buhay nila habang nahihimbing sa tulog.

Dinala ang suspek sa Philippine National Police (PNP) Headquarters sa lungsod Quezon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente ng pamamaslang. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …