Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bambang Kalimbas Sta Cruz Manila Fire

Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas St., sa Brgy. 317, Sta. Cruz, sa lungsod ng Maynila, nitong Linggo ng Muling Pagkabuhay, 20 Abril.

Itinaas ng mga awtoridad ang sunog sa ikalawang alarma na nirespondehan ng nasa 20 truck ng bombero.

Pinaniniwalaan ng Manila Fire District na posibleng nagsimula ang apoy sa isang kainan sa ibaba ng gusali.

“Kung makikita po natin ‘yong kalsada is malawak. Itinaas po natin ng second alarm kasi ito ay residential-commercial kaya ‘yong mga responder po natin ay mabilis. Nakatulong din po ‘yong kalsada,” pahayag ni F/SInsp. Cesar Babante, Station 5 Commander ng Manila Fire District.

Ayon sa panaderong si Raffy Turion, nasa loob sila ng gusali at gumagawa ng tinapay nang may nagsabing nasusunog ang gusali mabilis siyang lumabas kasama ng anim pa niyang mga kasamahan.

Tuluyang naapula ang sunog dakong 11:58 ng umaga kahapon.

Samantala, agad dinala sa pagamutan ang isang 37-anyos lalaking nasugatan sa sunog.

Dagdag ng Manila Fire District, tinatayang aabot sa P1.2 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala ng sunog na patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …