Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valenzuela fire

Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela

TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, sa lungsod ng Valenzuela, na nagsimula nitong  Biyernes Santo, 18 Abril, at tuluyang naapula nitong Sabado de Gloria, 19 Abril.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP),  nagsimula ang sunog dakong 5:25 ng hapon noong Biyernes, na mabilis na itinaas sa ikalawang alarma dakong 5:37 ng hapon, at ikatlong alarma dakong 5:42 ng hapon.

Itinaas ng BFP ang sunog sa ikaapat na alarma dakong 6:45 ng gabi hanggang sa ikalimang alarma dakong 7:21 ng gabi.

Kamakalawa ng umaga, kinompirma ng Public Information Office (PIO) ng Valenzuela na itinaas hanggang Task Force Alpha ang sunog na patuloy na inapula ng mga bombero hanggang 7:00 ng umaga.

Samantala, ginawang pansamantalang evacuation center ang Paltok Elementary School para sa mga residenteng nagnanais lumikas.

Upang masuportahan ang pag-apula ng sunog, nagpadala rin ang lokal na pamahalaan ng mga heavy equipment, kabilang ang mga backhoe.

Walang naiulat na nasaktan o binawian ng buhay sa insidente ng malaking sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Base sa kanilang website, ang Flexo Manufacturing Corporation, itinatag noong 1955, ay nangunguna sa industriya ng flexible packaging solutions sa bansa. Karamihan sa kanilang mga kliyente ay nasa sektor ng personal care, home care, food and beverage, infant and adult powdered milk, industrial, and Pharmaceuticals.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …