Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Verzosa

3-k ni SV sagot sa kahirapan ng Maynila 

RATED R
ni Rommel Gonzales

TUMATAKBO bilang mayor ng Maynila, tinanong si Sam Verzosa o SV, kung ano para sa kanya ang numero unong problema sa Maynila na kailangang solusyonan?

Maraming problema ang Maynila. Unang-una riyan, ‘yung kalusugan. Napakaraming may sakit, daming namamatay, daming walang pangpagamot, walang pang-maintenance.

“‘Yan ang una nating tututukan, ‘yung mga senior citizen natin, na wala nang kabuhayan, walang pinagkakitaan, pero ang daming kailangan.

“Paano sila ma-maintain, paano ‘yung mga gamot nila? 

“Kaya iyan ang una nating tututukan, kalusugan. 

“Pangalawa, ‘yung edukasyon ng mga kabataan. Dahil kahirapan ang unang problema eh, lahat ito nag-i-stem sa kahirapan.

“Kaya hindi makapagpagamot, hindi makapag-aral dahil mahirap, kaya wala ring trabaho. Lahat ito, chain reaction, kung tatanungin mo ko, unang-unang problema, kahirapan.

“So anong solusyon para mawala ang kahirapan? 

“Tututukan ko po ‘yung tatlong K. Ito ‘yung tatlong K na ginamit ko para maangat din ‘yung sarili ko sa hirap. 

“‘Yun ‘yung kalusugan, kaalaman o edukasyon at kabuhayan.

“‘Pag nabigyan ko sila nitong tatlong ‘to, mayroon na silang way para tulungan ‘yung sarili nila. ‘Pag nakapag-aral sila, maka-graduate sila, mabigyan sila ng oportunidad sa buhay, trabaho, negosyo, o kaya ‘pag nabigyan ko sila ng trabaho at kabuhayan, puwede na rin nila tulungan ‘yung pamilya nila at puwede silang makaangat sa buhay, mawala sila sa kahirapan.

“Chain reaction din ‘yun. Kasi nga po, kahirapan, dahil mahirap ka, wala kang pangpagamot, dahil wala kang pangpagamot, wala kang pampa-aral, dahil hindi nakapag-aral, wala ring maayos na trabaho.

Patuloy na naghihirap, nagkakaroon ng krimen, gumagawa ng hindi maganda. Ano nangyayari na sa lungsod natin?

“Eh ‘di pabagsak na ng pabagsak, kaya nga sabi ko, kung hindi natin pupuntahan ‘yung root cause ng problem, which is kahirapan, hindi natin maso-solve ‘to, hindi tayo puwedeng band-aid solution.

“Puntahan natin ‘yung pinaka-root problem, which is kahirapan. At ‘pag na-empower natin ‘yung mga kababayan natin through this 3-K, kalusugan, kaalaman, at kabuhayan, puwede na natin mawakasan o mabawasan man lang ‘yung kahirapan sa Maynila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …