Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Nora Aunor

Lito nagdalamhati sa pagkawala ng nag-iisang Superstar

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INALALA ni Sen Lito Lapid ang naging pagsasama nila ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor bilang pagbibigay pugay sa pambihirang galing nito.

Lubos din ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ‘ika niya’y ng isang tunay na alamat sa larangan ng sining at pelikulang Filipino.

Aniya, “Mapa-arte man o kantahan, komedya man o drama, telebisyon man o pinilakang tabing, ang anking talento ni Nora ay nagningning ng higit sa kaninumang bituin sa kasaysayan ng ating bansa.”

Sinabi pa ng aktor/politiko na sa 200 pelikula at 

palabas na tinampukan ni Nora, hindi lamang ito nakapagbigay aliw sa ating mga kababayan, kundi nagsilbing liwanag na nagdala sa atin sa ginintuang panahon ng pelikulang Filipino habang sinasalamin ang realidad ng buhay na siyang nagbigay kamulatan sa marami nating kababayan.

Sa kanyang mga pagganap, binigyang tinig niya ang mga naaapi, ang mga tahimik, at ang mga nawalan ng boses sa lipunan. Ipinakita niya na ang sining ay hindi lang aliwan—ito ay maaaring maging makapangyarihang sandata para pukawin ang damdamin, imulat ang isipan, at itulak ang pagbabago.

Apatnapu’t limang taon na ang nakalilipas, ay nagtambal kami sa dalawang drama film na idinirehe ng yumaong batikang direktor na Mario O’Hara. ‘Kastilyong Buhangin ‘noong 1980 at ‘Gaano Kita Kamahal’ noong 1981. Doon ko namalas ng personal ang pambihirang galing ng isang Nora.”

Binigyang papuri rin ni Supremo Lito ang pagiging propesyonal nj Nora. “Hindi lang ‘yan mapagkumbaba, at puno ng malasakit din sa kapwa ang nag-iisang Superstar. Ang kanyang pamana ay hindi matutumbasan at ang kanyang pagkawala ay isang malaking kawalan sa ating bansa.

“Inaalala natin siya bilang isang premyadong aktress, asawa, ina, alagad ng sining, at tunay na Filipina.”

Sa huli nagpahayag ng pakikiramay ang senador. Anito, “Sa pamilya, mga kaibigan, at sa milyon-milyong tagahanga ni Nora Aunor—ipinaabot ko po ang ating taos-pusong pagdamay.

Mabuhay ang alaala ng Superstar.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …