Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina Un-Ex You

Kim ‘di maitago kinikilig kapag kaeksena si Jerald

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si Kim Molina na kinikilig pa rin siya kapag kaeksena o kasama niya ang boyfriend na si Jerald Napoles sa isang proyekto.

Mayroon pa rin [kilig], hindi ko alam kung bakit pero kinikilig pa rin ako. Si Je kasi ano siya eh, paano ba?

“Dati kasi siyang chick boy talaga.

“Hindi pero seryoso he’s that kind of an actor kasi.

“Kahit sino ang makatambal niya actually tinitingnan niya kung saan niya mahuhuli ‘yung kiliti ng kanyang partner on screen.

“Kasi it’s important na magandang organic ‘yung reaction niyong partner niya.

“So that’s what he does.

“Ganoon po kasi siya, mayroon siyang… he does something kapag nagtatrabaho.  And ako I think I just… oo every time nakakaeksena ko siya bilang aktor sa aktor and at the same time, dagdag na lang din ‘yung kinikilig ako kasi totoo.”

Sampung taon ng magkasintahan ang  dalawa at last year, August 11 ay ginulat ni Jerald ang publiko, maging si Kim, nang mag-propose ito sa kanya.

Samantala, ngayong April 9 ay mawi-witness natin na magpakilig ang dalawa sa pelikula nilang Un-EX You.

Mula sa Viva Films, gaganap sila bilang si Zuri (Kim) at Andy (Jerald).

Kasama rin sa cast sina Candy Pangilinan (bilang Mameng), Vladia Disuanco (bilang Beybeh), Kyosu Guinto (Bry), Bob Jbeili (Greg), at Marnie Lapus, sa direksiyon ni RC Delos Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …