Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 araw na Music Festival ng Taguig matagumpay

MATAGUMPAY ang idinaos na dalawang araw na Taguig Music Festival 2025 ng lungsod sa ilalim ng administrasyon ni re-electionist Mayor Lani Cayetano.

Hindi magkamayaw ang mga dumalo at nanood sa ikalawang araw ng Music Festival na ginanap sa TLC park dahil hindi lamang napuno ang TLC park ng mga manonood, pati sa labas ng parke o kalye ay punong-puno rin.

Halos nasa 25,000 katao ang dumalo na inilarawang ‘hindi mahulugang karayom.’

Lubos ang kagalakan at pasasalamat ni Cayetano sa bawat Taguigeño at sa sektor ng kabataan  na nakiisa sa naturang okasyon.

“BIlang Mayor ng Taguig walang kasing saya sa puso ko na kapag tinatanong ko kayo kung maligaya kayo at ang sagot ninyo ay oo maligaya kayo. Maraming dahilan kung bakit dapat tayo maging masaya at mapagpasalamat, this evening we are celebrating our 438th founding anniversary. First and most let us give the loudest clap offering to the Lord,” ani Cayetano sa kanyang speech para sa mga dumalo sa okasyon.

Idinagdag ni Cayetano, hindi siya magsasawang magpasalamat at magpuri sa Panginoon dahil sa patuloy na biyayang ipinagkakaloob sa lungsod ng Taguig.

Umaasa si Cayetano na lahat nang dumalo at sa bawat Taguigeño na patuloy na susuportahan ang “transformative, lively and caring” agenda ng lungsod.

Muling pinasalamatan ni Cayetano ang mga taxpayer ng lungsod dahil sa kanilang kontribusyon ay nagagawa ng lungsod na maihatid ang maayos at may kalidad na serbisyo publiko at maisagawa ang lahat ng mga progrma at proyekto ng lungsod.

Kabilang sa mga banda at grupong nag-perform sa ikalawang araw ng music festival sina Axcel Ragsta/Maharlika Hood, Six or Seven Band, Masaflora, This Band, Nobita, Ebe Dencel, Lola Amour, at Rico Blanco.

Tiniyak ng adminitrasyong Cayetano na simula ito ng maraming mga programa at aktibidad ng lungsod kaugnay ng 438 founding anniversary ng lungsod. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …