Tuesday , May 6 2025
Lani Cayetano Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

DUMALO ang mahigit 15,000 indibiduwal, mayorya rito ay mga kabataan sa unang araw ng taunang Taguig Music Festival na ginanap sa Arca South ground ng lungsod.

Ang Taguig Music Festival ay bahagi ng pagdiriwang ng 438th founding anniversary ng lungsod.

Kabilang sa nagpakitang gilas sa unang araw ng festival ay ang banda at grupong  Mayonnaise, Dionela, Armi Millare, Any Name’s Okay, Rob Daniel, Natural High, Whirpool Street, at Pau Gesi.

Hindi naman magkamaliw ang saya at kagalakan ng mga dumalo at sa bawat awitin at performances ng mga performer ay sigaw, hiyaw, palakpak at lundag ang hatid sa bawat sa manonood.

Inihayag sa festival na ang lungsod ng Taguig ay pinagtutuunan ng pansin ang kinabukasan ng mga kabataan. Patunay rito ang paglalaan ng P900 milyon pondo para sa mga scholar ng lungsod.

Layon ng programang ng lungsod na walang isa mang kabataang Taguigeño ang maiiwan sa larangan ng edukasyon.

Nagpapasalamat si Taguig Mayor Lani Cayetano sa mga taxpayers dahil sila ang dahilan kung bakit nakapaghahatid ng magagandang programa, proyekto, at gawain ang lungsod sa mga mamamayan.

“sa lahat ng tiwalang ibinibigay nila (taxpayers) sa ating probinsiyudad nagkakaroon ng kapasidad to support social services, projects and programs for the betterment of our City,” ani Cayetano.

Umaasa rin si Cayetano na sana lahat ng dumalo sa naturang aktibidad ay lubhang nagsaya at nag-enjoy.

Nagpapasalamat si Cayetano sa lahat ng mga mamamayan ng Taguig sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng programa ng lungsod.

Si Cayetano ay kilalang mahilig sa mga awitin at isang mang-aawit at jammer sa mga tumutugtog na grupo.  (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Int’l singer/Doctor of Nursing Nick Vera Perez handang na sa Parte Ng Buhay Ko album tour

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA na ang Filipino-American singer/ doctor of nursing Nick Vera Perez para sa …

Carmi Martin Jaime Fabregas Isang Komedya sa Langit

Carmi Martin lolang seksi sa Isang Komedya sa Langit  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG-MASAYA ang producer at nagsulat ng historical fiction film, Isang Komedya sa …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …