Tuesday , April 15 2025
Jodi Sta Maria Untold JK Labajo Joem Bascon Gloria Diaz Lianne Valentin Sarah Edwards

Jodi ‘di ininda buwis-buhay na eksena sa Untold; tumalon sa 4th flr at malalim na hukay 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MULING bibida ang Kapamilya actress, Jodi Sta Maria sa isang suspense-horror,  Untold na idinirehe ni Derick Cabrido, ang filmmaker na nasa likod ng matagumpay na  Mallari ni Piolo Pascual na entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Ayon kay direk Derick, maraming buwis-buhay na eksena si Jodi sa pelikula.

Aniya, hindi nagpa-double ang aktres nang tu­malon iyon sa 4th floor ng isang building. Kaya naman lalo niyang hinangaan ang aktres at nakita niya ang sobrang dedikasyon nito sa trabaho.

Pagbabahagi ng direktor, game na game at walang reklamo si Jodi nang sabihin niyang kailangang gawin ang nasabing eksena. Hindi kasi talaga pwede ang double dahil kailangang makita ang expression ng aktres. 

At ang nakabibilib, apat na beses inulit ni Jodi ang naturang eksena.

Hinangaan din ni direk Derick ang pagharap ni Jodi sa kinatatakutang bagay nito para sa pelikula.

May isang eksena kami na mahuhulog siya sa isang malalim ng hukay. Claustrophobic si Jodi pero pumayag siya. Tapos ‘yung tili niya roon natural pati ‘yung nginig niya roon aktuwal iyon. Ayaw niya ng ganoong enclosed may phobia siya.

“Pero nakunan namin ng maayos. Tapos naalala ko habang kinukunan ‘yung eksenang iyon andyan sabihin niyang, ‘may palaka sa loob.’ Maya-maya may mga palaka nga at iba’t ibang insekto siyempre malalim ‘yung hukay talagang ginawa namin, may mga lumalabas. Kaya ‘yung tili niya roon, totoong tili niya.

“Nilinis naman ‘yung lugar na tiniyak naming hindi siya masusugatan, pero walang inilagay na pantakip man lang o plastic. Kaya talagang bumaba siya sa hukay. 

“Sinabihan ko si Jodi bago kunan ang eksena na wala siyang choice kailangan talagang gawin, at sinagot naman niya ako ng ‘okey lang.’ Kaya ayun nakunan naman ng ayos.

“Sobrang game talaga siya na gawin ang mga bagay-bagay tapos ang hirap ng shoot namin kasi andyan ‘yung uulan, sisikat ang araw. Paiba-iba ang panahon. May time pa na binaha ‘yung set, nagiba ang set. Kaya ang hirap talaga,” pagbabahagi pa ng direktor. 

Gagampanan ni Jodi ang karakter ni Vivian Vera, isang award-winning journalist na may madilim na nakaraan na manggugulo sa buhay niya sa kasalukuyan.

Sa railer na ipinakita bago ang mediacon, mapapasigaw ka na sa mga eksena ni Jodi at ng iba pang cast members ng movie na sina JK Labajo, Joem Bascon, Gloria Diaz, Lianne Valentin, Sarah Edwards at marami pang iba.

Ayon naman sa Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde, Rated R-13  with no cuts ang Untold at ginastusan nila ng P70-M. 

Showing na ang Untold simula April 30 sa mga sinehan nationwide.

Samantala, laganap ang fake news at marami ang apektado  hindi lang mga artista o TV personality, maging mga government official ay naaapektuhan din. Kaya naman handang humarap sa ‘fake news’ hearing ng Kongreso si Jodi  sakaling maimbitahang dumalo sa isinasagawang “fake news” hearing ng Tri House Committee sa Kongreso.

Naimbitahan ng Kongreso para sa pagdinig sina Vice Ganda, Baron Geisler, Ruffa Gutierrez, at Mon Confiado. Pinangungunahan ni Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, lead chairperson ng Committee on Public Order and Safety ang naturang pagdinig na noong March 21 nagkaroon ng joint inquiry sa Congress ang Committee on Public Order and Safety, Information and Communications Technology and Public Information at dito’y dumalo ang ilang content creators.

Ani Jodi sakaling may formal invitation siya, handa siyang mag-share ng kanyang mga nalalaman at naranasan ukol sa fake news.

Kung ano siguro ‘yung maitutulong ko, kung sa palagay nila, importante ‘yung boses ko at ‘yung sasabihin, bakit naman hindi?” sabi ni Jodi. “Tulad nga ng sabi ko kanina, wala namang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Lahat tayo, mayroon tayong responsibilidad para sa isa’t isa.”

Sinabi pa ng aktres, kailangang palakasin ng gobyerno ang batas para sa mga nagpapakalat ng fake news. 

Iginiit din nitong ugaliing mag-fact check bago mag-post, mag-like, at mag-share ng mga nababasa sa social media.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pilita Corrales

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez muling uuwi ng ‘Pinas para sa promosyon ng all new OPM album

IPO-PROMOTE ni Nick Vera Perez ang ika-apat niyang album na all-original at all-new OPM ngayong Mayo 2025. …

MayMay Entrara

Maymay emosyonal, ina 2 taon nang nakikipaglaban sa cancer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ng aktres/singer na si MayMay Entrara na hindi naging madali sa kanya …

Queenie de Mesa

Queenie de Mesa, palaban sa pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BUO ang loob at palaban sa kanyang pinasok na career …

Gela Atayde Time To Dance

Gela ikinatuwa pagbibigay halaga sa mga dancer

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND finals na ngayong Sabado, April 12 ng Time To Dance, ang dance …