Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPAT
ni Mat Vicencio

DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola at gimik ay kanyang ginagawa para lang makuha ang suporta ng DDS at tuluyang makalusot sa darating na eleksiyon sa Mayo.

Huling baraha ang imbestigasyong ipinatawag sa Senado ni Imee na ang tanging layunin ay makombinsi at mapaniwala ang mga DDS na tunay ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

At sa nalalabing mga araw ng kampanya, target ni Imee na makopo ang boto ng DDS kabilang ang suporta ng pamilyang Duterte na hanggang sa ngayon ay marami pa rin mga kaalyado sa Visayas at Mindanao.

Pero palpak ang diskarte ni Imee!

Sa halip na makakuha ng suporta, kabaliktaran ang nangyayari dahil maraming DDS ang galit na galit ngayon sa kanya matapos na masilip ang mga palundag at drama ng senadora.

Mismong si Vice President Sara Duterte ay walang tiwala kay Imee. Ang sinasabi niyang ‘best friend’ ay hindi binasbasan ang kanyang kandidatura at sa halip ang 10 senatorial candidates ng PDP-Laban ang binigyan ng endorsement ni Sara.

Sabi pa ni dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo… “Ang problema sa babaeng ‘yan, gustong kumuha ng boto sa Duterte at gusto rin kumuha sa boto ni Bongbong. Namamangka sa dalawang ilog!”

Pati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay napikon na rin sa kakulitan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Imee. Mukhang hindi na nakapagpigil si Bongbong at tuluyan nang ‘sinipa’ ang senadora sa lineup ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Kung tutuusin, matagal nang pinagpapasensiyahan ni Bongbong si Imee, at ang walang tigil nitong kababatikos sa kanyang gobyerno lalo na ang ginawang pagpapatawag ng Senate investigation ay kalabisan na para hindi palagan at upakan ang senadora.

‘Bumingo’ na si Imee at hindi na maaaring palagpasin ang ginagawang pambubulabog ng senadora sa kanyang sariling kapatid. At asahan ni Imee na ang makinarya at impluwensiya ng administrasyon ni Bongbong ay malalasap niya sa araw mismo ng eleksiyon.

Sabi nga, laglag na sa administrasyon ni Bongbong, tablado pa sa kampo ni Digong. Babu Imee!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …