Thursday , April 3 2025

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates

Atty. Mark Kristopher Tolentino at Dr. Michael Raymond Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang ilang probisyon sa Automated Election Law bunsod ng  sinabing hindi patas na trato sa ilang kandidato.

Nabatid na naghain ng petition nitong Miyerkoles sa SC  sina Tolentino at Aragon na kumukuwesiyon sa  constitutionality ng Section 11 ng Republic Act 8346 na inamyendahan ng  Section 13 ng Republic Act 9369.

Ang kaso ay isinampa laban sa Commission on Elections, Executive Secretary Lucas Bersamin,  Senate President Francis Escudero, at Speaker Martin Romualdez.

Hinihiling  sa SC ng mga petitioner na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) at writ of prohibition upang ipatigil ang mga probisyon na labag sa Kontitusiyon at hindi patas sa mga ilang mga kandidato.

Isa sa mga tinukoy ng petitioner ay ang pre-mature campaign ng mayayamang politiko laban sa maliliit na kung tutuusin ay maikokonsidera lamang na kandidato kapag nagsimula na ang kampanya.

Tinawag na ‘unfair’ ng mga petitioner ang  probisyon dahil mas nakapagpapakilala nang mas maaga ang mayayamang politiko kompara sa mga maliliit na kandidato.

Anila, “Hindi naman mapaparusahan ang mga nagsasagawa ng pre-mature campaign. Wala rin aksiyon ang Comelec sa maling paggamit ng public funds sa election preparations na walang transparency and fairness.”

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Yohan Castro Vehnee Saturno

Yohan Castro balik-showbiz, patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AFTER two years ay itinuloy ni Yohan Castro ang kanyang …