Thursday , April 3 2025
JESUS IS OUR SHIELD 32nd anniv

Sa kanilang ika-32 taon ng pagkakatatag  
JESUS IS OUR SHIELD MAGDIRIWANG “HIMALA” SENTRO NG ANIBERSARYO

NAKATAKDANG ipagdiwang ng Jesus Is Our Shield ang kanilang ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag simula noong 1993 na sesentro sa temang “Himala” kaugnay ng kanilang programa na “Oras ng Himala” na napapakinggan sa ilang telebisyon, radio, at social media online flatform.

Ayon kay Apostle Renato Carillo, minsan na siyang namatay at muling nabuhay kung kaya’t naniniwala siyang mayroong himala na nais din niyang maranasan ng lahat ng mga mamamayan.

Aminado si Carillo at ang kanyang maybahay na si Prophetess Elena Carillo na wala silang inaasahang tulong sa kahit sinong politiko sa bansa at wala rin mga sponsor.

Tanging ang pagtutulungan ng mga miyembro at naniniwala sa kanila sampu ng kanilang pamilya kung kaya’t sila ay nakararaos at tumagal nang 32 taon.

Binigyang-linaw ni Carillo, maraming nag-alok sa kanya na iba’t ibang kompanya at kilalang tao sa lipunan para mag-sponsor ngunit kanila itong tinanggihan.

Iginiit ni Carillo na hindi sila umasa sa mga dayuhan ngunit may mga miyembro silang kapwa Filipino na nasa ibang bansa ang maluwag na nagbibigay ng tulong.

Kaugnay nito, inimbitahan ni Carillo ang lahat sa kanilang ilang araw ng pagdiriwang ng anibersaryo simula sa 27 Maro hanggang 30 Marso nang sa ganoon ay maramdaman at masaksihan ng bawat isang dadalo o sasaksi o kahit manood lamang ang himalang hatid ng ating Panginoong Diyos.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …