Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fire Vegetables, Sunog Gulay

Paaralan tinupok ng apoy, P3-M ari-arian napinsala

TINUPOK ng apoy ang Bago City Elementary School, sa Brgy. Poblacion, lungsod ng Bago, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 21 Marso.

Ayon kay Fire Officer 2 Joeman Alvarez, arson investigator ng Bago City Fire Station, tuluyang napinsala ng sunog ang apat na silid aralan at isang stock room ng eskuwelahan.

Nagkataong walang mga estudyante sa loob ng paaralan, dahil half-day ang klase noon, nang magsimula ang sunog dakong 3:45 ng hapon.

Tuluyang naapula ang sunog isang oras ang nakalipas at walang naiulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy na tinutukoy ang dahilan ng sunog na nagdulot ng pinsalang tinatayang nagkakahalaga ng P3,000,000.

Ayon kay Alvarez, dahil pag-aari ng pamahalaan ang nasunog na estruktura, iimbestigahan ito ng Bureau of Fire Protection- Region 6 (Western Visayas).

Kinordonan ang apektadong bahagi ng paaralan para sa imbestigasyon at inaasahang hindi makaaabala sa mga klase.

Nabatid na itinayo ang paaralan noon pang dekada ‘60 at itinuturing na matandang estrukturang gawa sa mga light material.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …