Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

3 MWPs sa Obando nasukol

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang tatlong most wanted persons sa bayan ng Obando, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes, 20 Marso.

Sa pinaigting na operasyon laban sa mga wanted persons, iniulat kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nakatala ang mga naaresto bilang most wanted persons sa Municipal Level ng Obando MPS.

Magkakasunod na nadakip ng tracker team ng Obando MPS ang No. 2, No. 3, at No. 4 most wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon.

Unang nadakip ang isang 26-anyos lalaking nakatalang No. 2 MWP para sa kasong Frustrated Murder sa Brgy. Paliwas, Obando.

Sumunod na naaresto ang isang 24-anyos lalaking nakatalang No. 3 MWP para sa kasong Frustrated Murder sa kaniyang pinagtataguan sa Brgy. Binuangan.

Samantala, nakorener ang 23-anyos lalaking nakatalang No. 4 MWP para sa kasong Frustrated Murder sa Brgy. Polo, sa lungsod ng Valenzuela.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Obando MPS ang mga suspek habang hinihintay ang tamang disposisyon para sa kanila. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …