Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Esang James Philippe Jarlo Base Diego Gutierrez

Esang, James Philippe, Jarlo, Diego parte na ng Star Magic

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

OPISYAL nang ipinakilala ng ABS-CBN Star Magic ang apat na tiyak pag-uusapan dahil sa galing kumanta at eventually ay aarte. Ito ay sina Esang, James Philippe, Jarlo Base, at Diego Gutierrez.

Noong March 11, 2025, naganap ang contract signing at mini-concert sa Noctos Music Bar, Quezon City na dinaluhan nina ABS-CBN TV Production at Star Magic Head Laurenti Dyogi, ABS-CBN Music Head Roxy Liquigan, Head of Digital Services and Business Development Elaine Uy-Casipit, Head of Star Magic Special Events and Digital at Senior Talent Manager Love Almazan-Capulong, ABS-CBN Business Unit Head Raymond Dizon, at Creative Director ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo.

Bawat isa’y hindi naitago ang excitement sa pagiging parte na ng Star Magic.  Anila, napakalaking blessings at pagkakataon ang ibinigay sa kanila para maipakita ang kanilang talento.

Nakilala sa husay sa pagkanta at stage presence si Esang de Torres sa The Voice Kids Philippines Season 2 na naging mentor si Lea Salonga at nanalo bilang third placer sa kompetisyon.

“I am beyond grateful to be standing here in front of you tonight, as a newly launched Star Magic artist…I want to take this opportunity to thank Star Magic for believing in me and for giving me this opportunity to grow, to learn, and to share my passion with all of you as an artist,” ani Esang.

Naghahanda naman kapwa sina James Philippe at Jarlo Base para sa kanilang mga paparating na musical projects sa ilalim ng Star Magic.

“I am speechless and thankful to God. Thank you so much po for this opportunity,” ani James.

I’m feeling very excited, and honestly, I feel at home. Thank you so much, Star Magic and ABS-CBN,” sabi naman ni Jarlo.

Thank you again Star Magic for this wonderful opportunity, I promise that I will make the most of it, (and) I’ll keep working hard and I’ll keep striving to be a better artist para pasok tayo sa #TatakStarMagic,” sambit naman ni Diego na kapatid ni Janine at anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher na naroon noong hapong iyon at kitang-kita namin ang excitement ng ama dahil siya mismo ang nagvi-video sa anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …