Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mia Pangyarihan

Mia Pangyarihan ‘di iiwan acting at dancing — outlet ko ‘yan kapag napapagod sa negosyo 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ABALA man sa negosyo, hinding-hindi iiwan ni Mia Pangyarihan, dating miyembro ng Sexbomb ang pag-arte at pagsayaw. Ito ang nilinaw sa amin ng aktres nang makausap sa pasinaya ng bago nilang negosyo nina Lito AlejandriaJohn Vic de Guzman, at Jayvee Sumagaysay, ang Wassup Super Club/Resto Bar and Lounge saMaynila.

Special guest sa ribbon cutting sina Ms Cecille Bravo (Vice President ng  Intelle Builders and Developmdnt Corporation ), Chairman Thom Dacayo ng Barangay 397 Zone 41 District 4, Sampaloc Manila, at  Konsi Dianne Nieto.

Bale ito ang ikalawang negosyong itinayo ni Mia. Una ang Yoshimeatsu na mayroon na palang 23 branches.

Ani Mia, “active pa rin ako sa pag arte, ‘yun kasi ang gustong-gusto kong ginagawa. Ang acting ang nagiging parang outlet ko,” nakangiting kuwento ni Mia sa amin.

“Kung dati sayaw kahit pagod ako kakain lang ng marami, ngayon baligtad, pagod ako sa business. Ang gusto kong outlet acting naman, showbiz,” dagdag pa.

Paglalahad ni Mia, binibigyan niya ng oras ang pag-arte at tututukan na rin niya ang pagwo-work out dahil gusto na rin niyang balikan ang pagsasayaq.

“Kasi bumigat ako, tumaba. Kailangang gumaan-gaan ng kaunti kasi gusto ko na ulit sumayaw. Nami-miss ko nang sumayaw. Kasi iyon ang first love ko eh.

“Tapos ‘yung acting ayaw kong iwan kasi katabi lang siya ng pagsayaw,” wika pa ng matagumpay na negosyante.

Sinabi pa ni Mis na hinahanap-hanap ng katawan niya ang pagsasayaw. 

Hindi ko kayang iwan ang acting. Mawalan na ng dyowa ‘wag lang ang career,” natatawang biro nito sa amin.

Ukol naman sa bago niyang negosyo na lounge, sinabi nitong gusto niyang ma-experience na bumata naman muli.

Something na iba naman, na matsa-challenge ako na kung ano pa ang kakayahan ko sa paggawa ng bagong business,” ‘ika pa ni Mia na ipinagtapat na hindi niya akalaing makaka-partner sa negosyo sina John Vic at Jayvee.

Si Mama Lito siyempre alam natin na from Zirkoh and Clownz eh si John Vic Kapuso  actor na nakatrabaho ko then si Jayvee volleyball player naman. 

“Masaya kami dahil lahat nagtutulong-tulong. ‘Yung effort andoon. And we see to it na maging hands on kami. Pinag-usapan namin na kailangan magbigay kami ng oras na puntahan talaga itong Wassup. May kanya-kanya kaming task para mas madali at mabilis ang pagpapalakad niyong business,” pagbabahagi pa ni Mia.

Gusto namin magkaroon ng ibang vibe rito sa 836 Galicia St., Brgy, 397 Sampaloc Manila kasi normally puro kainan and coffee shops. Itong sa amin iba naman, lounge na pwedeng magkuwentuhan sa hapon, pwedeng mag-chill kung ano ang trip n’yo. Pwede ritong magbigay ng time na magsayawan, may kanya-kanyang moment din every moment,” sabi pa ni Mia na open ang lounge from 2:00 p.m. onwards.

Gusto namin mag-start ng 2:00 p.m. since lounge nga siya pwedeng place para mag-review na may kaunting music. Kung medyo stress sa school pwede mag-chill, mag-relax ka rito or kung gustong makinig ng magandang music, good food, good drinks, ibibigay namin iyon,” pagtitiyak pa ni Mia.

Na-enjoy namin ang lugar dahil maganda ang sounds at music at may DJ pa. Nag-enjoy din ang mga bisitang dumalo tulad nina Tita Cecille and company na tila naeengganyo ring sumosyo sa kanilang business lalo’t may planong maglagay pa ang grupo ng billiards and coffee shop. Nakita nga naming may nakaabang na sa tabi ng kanilang Wassup bar kaya hindi magtatagal iyon naman ang tiyak na pasisinayaan.

Sinabi naman ni Mama Lits na, “Ngayon lang ako walang comedy pero mayroon naman akong DJ. Kasi depende sa market na iki-cater namin. 

“Tapos na ako sa comedy bar andito na ako sa mga lounge bar, chill bar,” nakangiting wika ni Mamalits na kung ilang taon ding napuyat sa kanilang negosyong Klownz at Zirkoh noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …