Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Jackson Rodrigo Matos

Rodrigo Teaser kay Michael Jackson — He is bigger than life

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI rin niya alam, sa edad na lima, pumasok na sa kamalayan niya ang tinig ng kinalaunan ay kinilalang King of Pop na si Michael Jackson.

Whenever MJ’s song will be played in the car, my mom would make me listen to it. And since then, I have come to embrace his music, him as Michael Jackson.”

Brazilian si Rodrigo Matos. But over the years, sa kaliwa’t kanan na niyang pagpe-perform ng katauhan ni Michael Jackson, nakilala na siya as Rodrigo Teaser ng mga grupo mula sa iba’t ibang bansa.

At sa unang pagbisita niya sa Pilipinas, mapapanood si Rodrigo Teaserr as he gives tribute to the icon, the idol in Michael Lives Forever. Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater sa March 14 at 15.

Sa rami na ng performances na nagawa niya as the legendary MJ, lalo lang umiigting ang passion ni Rodrigo sa pagpapalaganap ng musika ng kanyang idolo.

He is bigger than life! And what gives me so much fulfillment is that I become a part of that. Though how small I am. At one point, I almost gave up. When he passed on. But through the support of those who have come to know about what I can do, I pulled myself back. And here I am.”

Aktres din sa kanilang bayan sa São Paolo, Brazil ang maybahay niyang si Priscilla na siya ring nag-aasikaso sa kanyang career-skeds and everything.

Sa rami na rin ng naikutan niyang bansa,  marami na rin palang nakikilalang musikero si Rodrigo. Sa isang cruise ship na nag-perform siya, mga Pinoy nga ang nag-back-up sa kanya.

The closest how got to the King of Pop were the times na nakakapanood siya ng concerts nito. At nang umingay at makilala na siya sa kanyqng ginagawa, nakilala niya ang matagal ng dancer at choreographer ng King of Pop na si Lavelle Smith. At ito na rin ang nagdidirehe sa performances ni Rodrigo.

Sa isang tour naman niya, nakatrabaho niya ang gitarista  ni MJ na si Jennifer Batten. 

Eto ka! Ang paniwala ng marami  kapag nag-i-impersonate o gumagaya ang isang artist sa isa pang artist ay nili-lipsynch nito ang mga kanta.

No! No!. Sa concert na ito, sa tribute ni Rodrigo sa Hari, libe niyang kakantahin ang 16 piyesa o kanta nito. Na sasaliwan ng buwis-buhay na production numbers na gibagawa talaga ni MJ.

Aabangan ko ang leaning stance kapag inaawit ang Smooth Criminal,  ang paghagod ng mga paa sa Billie Jean, imbay ng bewang sa Beat It at pag-ikot na tila trumpo sa Black or White.

Every song that MJ performs is magical. Mabilis o mabagal. Rock o love song.

At ‘yan ang muling iparirinig sa atin ni Rodrigo sa kanyang tribute na hatid ng DMC Philippines.

Napanood siya ng mga producer na nagdala sa kanya sa bansa sa isang performance niya abroad. Thanks to Jesse Gonzales-Cambosa and Camille Cambocha and Carlo Orosa.

It was a breeze to “see” and “hear” the King of Pop in Rodrigo Teaser!

A lot of my favorite MJ piece will be sung in the concert.  

I hummed a tune. He remembers the song which was also his favorite. But since it was part of a movie’s theme song, it was the least popular when he researched it. 

Someone in the Dark was the promotional theme of E.T. (Extra-Terrestrial).

Natuwa siya when he came to know na I know it!

Sana nga masama sa repertoire ng napakagandang kantang tagos sa puso ang tama! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …