Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eula Valdes Lilim

Eula thankful sa Viva — Marami akong nagawa na magaganda at memorable 

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGSIMULA ang showbiz career ni Eula Valdes bilang isa sa mga orihinal na artista ng Viva  Films sa pamamagitan ng classic hit movie na Bagets noong 1984.

Mula noon ay sumikat na si Eula at kinilala bilang isang mahusay na aktres at gumawa ng pelikula at teleserye para sa iba-ibang production outfits.

And recently, halos taon-taon ay may project si Eula sa Viva, tulad ng Martyr or Murderer noong 2023 at ang Nokturno nitong 2024.

This March naman ng kasalukuyang taon, may pelikulang muli sa Viva Films si Eula at ito ay ang Lilimna palabas ngayon sa mga sinehan.

Hudyat ba ito na Viva na muli ang magma-manage ng showbiz career ni Eula?

Paglilinaw ni Eula, “Hindi, hindi ako mina-manage or ima-manage ng Viva but they’re helping me and I’m grateful at masaya ako na kung saan ako nag-umpisa hanggang ngayon ay nakakapagtrabaho pa rin ako para sa kanila.

“Hindi ako mina-manage ng Viva pero thankful ako.

“Marami akong nagawa sa Viva na magaganda at memorable at isa pa ito, ang ‘Lilim’ memorable rin, after all these years nakakagawa pa rin ako and kinukuha pa rin ako ng Viva.

“Very thankful talaga ako sa Viva.”

Mula sa direksiyon ni Mikhail Red, nasa Lilim sina Heaven Peralejo, Ryza Cenon, Mon Confiado, Skywalker David, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Phoebe Walker at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …