Monday , January 6 2025

Willie, tinalo si Kris bilang number 1 taxpayer

SA huling araw ng kontrata ni Kuya Willie Revillame sa TV5 noong October 15, isang magandang balita naman ang lumabas nang siya pala ang top celebrity taxpayer of 2012. Naunahan ni Willie ang 2011 top taxpayer na si Kris Aquino na nasa ikaanim na puwesto naman. Nagbayad si Willie ng kabuuang P63.9-M na buwis samantalang si Kris naman ay umabot sa P44.933-M.

Kaya naman kinunan namin ng pahayag si Kuya Wil sa pamamagitan ni  Jay Montelibano, Chief Operating Officer (COO) ng WiRe (Willie Revillame) Holdings, Inc., na siya ring tumatayong Business Unit Head sa tatlong naging show ni Willie sa TV5 noon.

Ani Mr. Jay, ”Kuya’s proud to be a law-abiding citizen who settles his tax correctly and on time.”

Sa tingin ba ni Willie napupunta sa tama ang tax na ibinayad niya o sa mga corrupt na government officials?

Ayon kay Sir Jay, nalulungkot daw si Willie sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Aniya, ”Kuya’s saddened by what’s happening in our country. He feels that the Filipinos, especially victims and survivors of the recent calamities, were robbed of what was due them.

“The graft and and corruption in the country makes us all angry. It’s also devastating to learn that the people whom you elected and trusted can do this to you. It’s a loss of confidence (on some of our elected leaders). It makes one wonder now where our tax money goes?”

Ngayon naman daw, kahit pansamantalang mamahinga si Kuya sa telebisyon ay tuloy tuloy pa rin daw ang pagsisilbi nito sa mga kabababayan nating nangangailangn.

“I once mentioned that the production blood in him will always be there. Kuya Wil will never turn his back on TV as long as the masses who long for him and the show are still around. The mission to serve, through his program, will never end even if he’s off air. There’s a soft spot in Kuya’s heart for the masses.”

Mamamahagi ng bangka sa mga mangingisda

Dagdag pa niya, bibisita si Willie sa lalawigan ng Masbate para mamahagi ng mga bangka sa mga mangingisda.

Kuwento pa ni Jay sa pamamagitan ng text messaging, ”We’ll be helping out various projects, like that of Bantay Kalikasan of Ms. Gina Lopez which aims to give livelihood to our less-fortunate brothers. He donated, through Wil Foundation, 700k for the production of 20 motorized bancas for the fishermen of Masbate.”

Sa ngayon daw ay ini-enjoy ni Willie ang kanyang much-needed rest. ”Right now, he’s enjoying his much-needed rest while attending to Wil Tower mall on the side. That’s it so far for now.”

‘Yan naman ang mahalaga, hindi naman porke walang kamera ay titigil na ang isang tao sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kahit na may TV show pa si Kuya noon, maraming kuwento ng kanyang pagtulong na ang hindi nalalaman ng publiko dahil hindi naman niya ito ipinaaalam at ipinakikita sa telebisyon. May mga kuwento na lamang kaming naririnig mula sa mga taong hindi namin kakilala ng mga natanggap nilang ayuda mula kay Kuya Wil.

See you around Kuya and may the good Lord continue to bless you with good health and more success. And sana, ‘You Wil Return’ kaagad ha. Miss ka na ng fans!!!

Arniel C. Serato

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

JohnRey Rivas

JohnRey Rivas katas ng teatro ipinagpatayo ng bahay 

HARD TALKni Pilar Mateo BAGO pumasok ang 2025, hindi natatapos ang kwentuhan namin ng bagong …

Daniel Padilla

Daniel ibinebenta na raw shares sa mga negosyo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya katotoo ang tsismis na sa pagpasok ng 2025 ay …

Lolit Solis

Lolit Solis babu na sa IG

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year! Kasabay nga ng pagpasok ng bagong taon ang …

TVJ Tito Vic Joey Eat Bualaga

 TVJ wagi na naman, muling kinatigan sa paggamit ng Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025. Ipinagpatuloy …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *