Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
McCoy de Leon In Thy Name

McCoy nabaliw, nalito sa In Thy Name

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPAKABIGAT at napaka-intense ng mga eksena ni McCoy de Leon sa pelikulang In Thy Name.

Actually nakakabaliw po talaga, nakaka-confuse sa utak po.

“Kasi madali po gawin ‘yung mga physical na movement like pagiging soft ko lang as Father Rhoel and siguro ang nakatulong sa akin dito ‘yung sobrang pagiging religious person talaga.

“Ito talaga ‘yung reason, naging faith ko talaga na nagpatulong ako sa Diyos at kay Father Rhoel na malagpasan ko ito, maitawid ko itong pelikula.

“Kung napapansin niyo po si Father Rhoel tahimik lang siya, ibinigay ko ‘yung parang tahimik na atake ng isang character.

“Based kasi sa research namin na natutunan ko kay Father Rhoel sobrang soft-spoken niyang tao and sabi ko paano ko siya magiging strong as a person, si Father Rhoel sa pelikula?

“Iyon lang pala ‘yung sagot, ‘yung faith, ‘yung pinaingay ko sa kanya, kaya kung mapapansin niyo ‘pag iiyak ako pinipigilan ko, ‘pag iiyak ako ayokong ipakita sa mga kasamahan kong survivor.

“IIyak lang ako ‘pag mag-isa ako, ‘pag walang nakatingin.     

Kaya iyon siguro nakatulong din po na medyo naka-relate ako kay Father Rhoel, na malapit sa akin iying natutunan ko ‘yung history niya, paano siya makitungo sa tao.

“Hindi ko na maisa-isa pero alam mo ‘yung feeling na hindi mo naman kamag-anak pero parang konektado kami?”

Mula sa direksiyon nina Caesar Soriano at Rommel Ruiz, kasama rin sa  In Thy Name sina Mon Confiado, Aya Fernandez, Kenken Nuyad, Jerome Ponce, Yves Flores, Ynez Veneracion, Kat Galang, Pen Medina, Alex Medina, Soliman Cruz, at JC de Vera at marami pang iba.

Mula ito sa Viva Films at sa GreatCzar Media Productions at palabas ngayon sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …