Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
in thy name cast

Aya malaking karangalan pagganap bilang Teacher Theresa

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAKING karangalan para kay Aya Fernandez na nakilala niya ng personal si Teacher Theresa na ginampanan niya sa In Thy Name.

Si Teacher Theresa ang isa sa mga naging bihag ng grupong Abu Sayyaf sa Basilan noong taong 2000 na pinagbasehan ng pelikulang pinagbibidahan ni McCoy de Leon (bilang Father Rhoel Gallardo) sa ilalim ng Viva Films at GreatCzar Media Productions.

Ayon kay Aya, “Siguro isa sa pinakamalaking karangalan being part of this film is being able to meet Teacher Theresa in real life.

“Nagpasalamat si Teacher Theresa sa akin na for me parang it’s the least I could do.

“In fact, kaya nga ako talagang nagmagarbo na damit dahil pakiramdam ko hindi ako ‘yung nire-represent ko kung hindi siya.

“Napanood niyo naman ‘yung mga nangyari at gusto kong bigyan siya ng dignidad, ng honor, at ‘yung kagandahan niya bilang tao.

“So siguro ‘yung opinion ko hindi na nagma-matter for as long as ‘yung nakausap ko kanina si Teacher Theresa. So shout out sa iyo, Teacher Theresa, I love you!

“Andito siya,” rebelasyon pa ni Aya sa ginanap na red carpet premiere ng In They Name nitong Martes, Marso 4, sa Cinema 7 ng SM North EDSA.

Pagpapatuloy pa ni Aya, “And nakayakap ko siya, at sabi niya approve siya. So regardless, parang wala na ‘yung opinion ko roon, iyon na yun, may approval ni Teacher Theresa, masayang-masayang na ako.”

Dahil nga sa presence at approval ni Teacher Theresa ay hindi na raw mahalaga kung ano ang nararamdaman ni Aya matapos mapanood ang pelikula at kung ano ang pagkakaiba habang nagsu-shoot sila at sa finished product ng pelikula na palabas ngayon sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …