Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Radson Flores

Radson mas hirap sa Voltes V kaysa Prinsesa

RATED R
ni Rommel Gonzales

BAGO mapasali sa cast ng Prinsesa Ng City Jail ay sumikat ang Sparkle male star na si Radson Flores bilang si Mark Gordon sa Voltes V: Legacy, hit live action series ng GMA noong 2023.

Kumusta ang transition niya mula sa pagiging isang action hero na isa sa mga nagpapagana sa robot na si Voltes V at dito ngayon bilang medyo salbahe sa Prinsesa Ng City Jail.   

“Kasi feeling ko nga ano eh, kahit nauna ‘yung ‘Voltes V’ parang feeling ko mas kailangan ko pa rin mag-adjust roon compared sa ‘Prinsesa.’

“Medyo weird siya pakinggan. Ha! Ha! Ha! Kasi ‘yung mga guesting ko in between, before ‘Voltes V’ and ‘Prinsesa ng City Jail,’ more on drama talaga, more on drama siya, so when I started playing as Justin, there wasn’t that much of an adjustment compared ito noong ginawa ko kay Mark Gordon.

“Kasi kay Mark Gordon, ibang-iba talaga.

“Superhero kasi talaga, so maraming unrealistic stuff na kailangan mong i-convey sa character.

“Like mga circumstances na impossible talaga compared dito kay Justin na relatable, very human.”

Gumaganap si Radson bilang si Justin Lozano sa Prinsesa Ng City Jail.

Frenemy ni Xavier,” banggit ni Radson. Si Xavier ay si Allen Ansay  na leading man naman ni Sofia Pablo bilang si Princess.

Napapapanood weekdays, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime, idinidirehe ni Jerry Lopez-Sineneng na tampok din sina Dominic Ochoa bilang Raymond, Denise Laurel bilang Divina, at Beauty Gonzalez bilang Sharlene.

Nasa serye rin sina Ayen Munji-Laurel bilang Leilani, Jean Saburit bilang Sonya, Keempee de Leonbilang Dado, Ina Feleo bilang Jenny, at sina Will Ashley bilang Onse, Pauline Mendoza bilang Mimi, at Lauren King bilang Libby.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …