Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Alexander Ramos Erika Nicole Burgos Dayshaun Karl Ramos Dhana Victoria Seda-Lomboy Edison Badillo Raul Angoluan Alex Silverio Joshua Nelmida Bernard Matthew Cruz
ITINANGHAL na kampeon sina Joshua Alexander Ramos (kanan) sa Standard men elite at si Erika Nicole Burgos sa Standard women elite sa National Age Group Aquathlon sa Ayala-Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite noong Sabado (Marso 1, 2025). Parehong miyembro ng pambansang koponan ng Triathlon Philippines. Kampeon sa Junior men elite si Dayshaun Karl Ramos ang nakababatang kapatid ni Joshua at si Dhana Victoria Seda-Lomboy sa Junior women elite. Para athletes. Panalo sina Edison Badillo (PTS2), Raul Angoluan (PTS3), Alex Silverio (PTS4), at Joshua Nelmida kasama si guide Bernard Matthew Cruz (PTVI) sa kani-kanilang mga division sa para category ng event na inorganisa ng Triathlon Philippines (TriPhil) na pinamumunuan ni Tom Carrasco (HENRY TALAN VARGAS)

Ramos at Burgos panalo sa National Age Group Aquathlon

NAGPAKITA ng husay at determinasyon si Joshua Alexander Ramos para makamit ang minimithing panalo sa Standard Men Elite ng National Age Group Aquathlon 2025 sa Ayala-Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite noong Sabado.

Ang 23-taong-gulang na miyembro ng Baguio Benguet Triathlon Club ay nakapagtala ng 31 minuto at 19 segundo sa 1km-swim at 5km-run na kompetisyon.

Noong nakaraang taon, siya ay naging runner-up kay Cebuano Kim Andrew Remolino sa karera na sumaklaw lamang ng 500 metro (swim) at 2.5 km (run).

Hindi sumali sina Remolino at Matthew Hermosa dahil sa PRISAA regional qualifying.

Nagtala si Iñaki Emil Lorbes ng 31:28 at nagtapos ng pangalawa kahit na may iniindang injury sa kanang bukung-bukong na nakuha niya dalawang linggo na ang nakakaraan sa training. Si Irienold Reig Jr. (32:12) ay nagtapos ng pangatlo.

Samantala, ipinagtanggol ni Erika Nicole Burgos ang titulong pambabae, na nag-clock ng 34 minuto at 17 segundo upang talunin si Wan Ting ng Singapore (35:01) at si Lady Samantha Jhunace Corpuz (35:50).

Sa Junior Elite na kategorya, ang nakababatang kapatid ni Joshua, si Dayshaun Karl, ay nanguna sa men’s division sa 16:37.

Si Darell Johnson Bada (16:40) ay pumangalawa at si Peter Sancho Del Rosario (16:44) ang pangatlo.

Si Dhana Victoria Seda-Lomboy ay nag-clock ng 18:45 upang manalo ng women’s title laban kay Maria Celinda Raagas (21:42).

Nanalo sina Edison Badillo (PTS2), Raul Angoluan (PTS3), Alex Silverio (PTS4), at Joshua Nelmida kasama si guide Bernard Matthew Cruz (PTVI) sa kani-kanilang mga division sa para category ng event na inorganisa ng Triathlon Philippines (TriPhil) na pinamumunuan ni Tom Carrasco.

Samantala, ang mga distansya ng karera sa National Age Group Duathlon ay Elite, Junior Elite, at Para (5km-run, 20km-bike, 2.5km-run); U15 (3km-10km-1.5km); 11-12 taong gulang (2km-8km-1km); 9-10 taong gulang (1km-6km-500m); 7-8 taong gulang (800m-2km-400m); at 6 taong gulang pababa (400m-1km-200m).

Ang mga torneyong aquathlon at duathlon, ay sa taguyod ng Philippine Sports Commission, Milo, Asian Center for Insulation, Gatorade, Fitbar, at RaceYa, ay bahagi ng grassroots at talent identification program ng TriPhil.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …