Saturday , April 5 2025

FPJ Panday Bayanihan, umakyat sa ika-4 na puwesto sa Octa Survey

022725 Hataw Frontpage

ni TEDDY BRUL, JR.

PATULOY na umaangat sa party-list surveys ang FPJ Panday Bayanihan Partylist na pinangungunahan ni Brian Poe, matapos nitong tumaas mula ika-101 puwesto patungo sa ika-4 na ranggo sa survey ng OCTA Research.

Sa Tugon ng Masa survey na isinagawa mula 25 Enero hanggang 31 Enero, nakakuha ang FPJ Panday Bayanihan ng 3.84 porsiyento, dahilan upang mapabilang ito sa nangungunang party-list groups.

Mula sa 155 party-list organizations, napabilang ang FPJ Panday Bayanihan sa 15 grupo na nakakuha ng higit sa dalawang porsiyento, na nagsisiguro ng kahit isang puwesto sa Kongreso. Ang survey ay may 1,200 respondents at may ±3 porsiyentong margin of error.

“Ito ay patunay ng tiwala at kompiyansa ng mga Filipino sa serbisyong hatid ng Poe. Ang paniniwalang ito sa amin ang nagsisilbing inspirasyon sa aming hangaring magbigay ng dekalidad na serbisyo,” ani Poe.

Layunin ng FPJ Panday Bayanihan Partylist na magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa, kaunlaran, at sama-samang responsibilidad ng bawat Filipino. Ang adhikain nito ay nakaugat sa tradisyon ng bayanihan—ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa.

Marami nang natulungan ang grupo, kabilang ang mga nasalanta ng bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, lindol, at maging ang mga naapektohan ng pandemya. Kamakailan, matagumpay nilang isinagawa ang kanilang star-studded kick-off rally sa San Carlos, Pangasinan.

About Teddy Brul

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …