Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tony Labrusca Herlene Budol Binibining Marikit

Tony nilinaw ‘di iniwan ang ABS-CBN

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY paglilinaw si Tony Labrusca sa mga nag-aakalang Kapuso na siya ngayon at umalis na sa ABS-CBN.

Napapanood na kasi si Tony bilang isa sa mga leading men ni Herlene Budol sa GMA series na Binibining Marikit.

Pero hindi lumayas si Tony sa ABS-CBN.

Well, technically, I don’t know if I’m Kapuso, I don’t even know how this works, just cause we were offered this show and we asked permission and they said okay.

“So for now, I think maybe it’s just…”

Hindi rin per project ang kontrata niya sa GMA.

“I mean, there is no contract,” rebelasyon ng hunk actor. “Hiniram lang.”

Sino ang manager niya ngayon?

“Star Magic and Kuya Mario Colmenares.”

Kaya hindi rin siya artist ng Sparkle na talent arm ng GMA.

Hindi po.”

Ano ang magiging reaksiyon niya kapag in-offer-an siya na maging isang Sparkle artist?

Aniya, “I honestly don’t know how to react.

“So I think right now, I just wanna focus on what’s been given to me and I really just wanna…

“Gusto ko lang talaga galingan itong ibinigay sa akin, kasi napakagandang project, napakamagandang project, maganda rin ‘yung time slot and so ayun.

“I wanna do my best and sana matuwa ‘yung mga tao sa mga mapapanood nila.”

Kasama nina Tony at Herlene sa Binibining Marikit sina  Pokwang at ang male pageant winner/model-turned-leading man na si Kevin Dasom, at sina Almira Muhlach, Thea Tolentino, John Feir, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at Cris Villanueva.

Sa direksiyon ni Jorron Lee Monroy napapanood ang serye mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at para naman sa Pinoys abroad ay via GMA Pinoy TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …