Saturday , April 26 2025
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist Top 14 na

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist Top 14 na

UMANGAT sa ika-14 na puwesto ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist” batay sa isinagawang survey ng isang market research company para sa 2025 pre-election preferential survey.

Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Tangere, nakakuha ng 1.68 percent ang ABP Partylist na nilahukan ng may 2,400 mobile based respondents, may 196 porsiyentong margin of error at 95 porsiyentong confidence  level gamit ang Stratified Sampling  Quote. Isinagawa ang survey nitong 11-14 Pebrero 2025.

Ang ABP Partylist na kumakatawan sa mga bombero, fire volunteers, at rescuers ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama sina Lenin Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado, at Howie Quimzon Manga.

“Tuloy ang laban para  sa mas ligtas, mas handa at mas protektadong  Filipinas,” buong giting na sinabi ni Ka Pep habang taos-pusong nagpapasalamat sa suporta at tiwala na ibinibigay ng taongbayan sa kanilang grupo upang  makapaglingkod  sa mamamayang Filipino hindi lamang sa oras na may sunog kundi maging sa mga oras na sumusuong sa matitinding kalamidad ang Filipinas.

Ayon kay Goitia, prayoridad ng ABP Partylist  na mabigyan ng boses sa Kongreso ang mga bombero, fire rescuers at volunteers na handang  isakripisyo  at isuong ang kanilang buhay upang makapagligtas  ng tao at ng kanilang ari-arian sa panahon ng sunog.

Idingdag ni Goitia, hindi lamang sa panahon ng sunog maasahan ang kanilang grupo kundi maging sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan na lubos na naapektohan ng iba’t ibang kalamidad at upang mabigyan ng pinansiyal at at medical assistance sa abot ng kanilang makakaya.

Ninanais ng ABP Partylist na magkaroon ang mga bombero ng maramimg benepisyo, insurance, at medical assistance sa mga  panahon na naaksidente sila  sa pagresponde upang maapula ang sunog.

Maging ang pagbibigay ng dagdag na  kaalaman at kasanayan para sa mas epektibong  emergency response.

Makatatanggap naman ng livelihoood program assistance ang miyembro ng kanilang  pamilya.

Layunin ng ABP na mabigyan ng sapat na kaalaman at training ang bawat barangay upang mas higit na  maging handa sa panahon ng sunog at iba pang kalamidad.

Hangarin ng grupo na makapagbigay ng mga fire trucks at emergency services upang matiyak na may sapat na transportasyon sa pagresponde lalo sa mga liblib na lugar.

Ang ABP Partylist ay isa sa 155 partylist organizations na nagnanais magrepresenta sa marginalized sector ng lipunan sa Mababang Kapulungan sa darating na eleksiyon sa Mayo 2025. (BONG SON)

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …