Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Coco Martin, Kaisa ng FPJ Panday Bayanihan sa Misyon ng Serbisyong Totoo

PANGASINAN – Inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa darating na midterm elections.

Kasama ng Batang Quiapo star si Sen. Grace Poe at ang mga nominado ng grupo na pinangungunahan ni Brian Poe na nag-motorcade sa bayan ng Calasiao, Dagupan, Sto. Tomas, Basista and San Carlos. 

“Itinuturing ko na pong pamilya ang mga Poe. Ang aking Ate Grace ay isa sa mga taong hinahangaan ko pagdating sa serbisyo publiko. Ngayon naman, ang kanyang anak na si Brian Poe ang magpapatuloy nito,” ani Martin sa proclamation rally ng partylist sa San Carlos City. 

“Hinihingi ko ang tulong ninyo na suportahan natin ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa darating na halalan,” dagdag niya. 

Kasama ni Brian Poe sina Mark Patron at Hiyas Dolor bilang pangalawa at ikatlong nominando ng  FPJ Panday Bayanihan partylist. Si Patron ay anak ni San Jose, Batangas Mayor Ben Patron, habang si Dolor naman ay asawa ni Mindoro Governor Bonz Dolor. 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng FPJ  Panday Bayanihan na tumakbo bilang partylist simula nang itinatag ito noong 2013. 

Ang grupo ay naging kilala sa kanilang mga relief program sa mga nangangailangan tuwing may kalamidad, ngunit higit pa rito ang layon ng partylist. Nais ng FPJ Panday Bayanihan na magsulong ng mga repormang nakatuon sa isyu na talagang nakaaapekto sa mga pangunahing sektor ng lipunan—mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, mga kabataan, mga informal sector at mga frontliner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …