Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Camille Villar

Camille Villar nasanay na sa mga tsismis, bashers — Ang importante alam mo na tama ‘yung layunin at intensyon mo

ni Maricris Valdez

SANAY na tayo. Minsan nagbabasa pa ako ng mga komento.”

Ito ang tinuran ni Camille Villar nang ma-ambush interview namin matapos ang media conference ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Martes  na ginanap sa Citadines Hotel, Pasay City ukol sa mga basher o troll.

Kahanga-hanga si Camille, isa sa tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas dahil nagbabasa pa rin siya ng mga komento maging negative o positive iyon sa mga balita sa kanya o mga post niya.

Minsan nagbabasa, pero minsan hindi ko na rin pinapansin.

Sanay na rin tayo riyan. Taong 2010 pa lang palaging may bashers. 

“Ang importante is alam mo naman na tama ‘yung layunin mo and intensyon mo, and siguro lalabas at lalabas naman ang totoo.”

Bagamat busy o hectic ang schedule may oras naman si Camille para  mag-relax. At ang ginagawa niyang pagre-relax ay ang panonood ng pelikula. At ang huli niyang napanood ay ang pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Well, recently nanood ako ng ‘Hello, Love, Again’ para kumalma ng kaunti. Para ma-relax tayo ng kaunti. 

“Maganda, maganda. So talagang maganda. Minsan nakaka-miss. Buti mayroon tayong time to relax,” ani Camille.

Samantala, pasok si Camille sa isinagawang survey ng Social Pulse Philippines sa mga senador na napupusuan para sa 2025 elections. 

Sa survey, na isinagawa mula Enero 26 hanggang Pebrero 8, 2025, nasa  Top 9 si Camille, patunay na nagpapatibay sa kanyang pagkakataong manalo sa isang puwesto sa Senado.

Sa 1,000 respondents sa buong bansa at may ±3% na margin ng error, itinatampok ng poll ang pagbabago ng mga kagustuhan ng botante habang papalapit ang midterm elections. Ang pagpasok ni Camille sa Magic 12 ay sanhi ng kanyang magandang plataporma na pinalakas ng kanyang track record sa batas, mga inisyatiba sa katutubo, at ang kanyang apela sa mga bata at panggitnang uri ng mga botante.

Ang pagtaas ng ranggo ni Camille sa polls ay nagpapakita ng hilig ng mga botante sa mga lider na may pinaghalong karanasan sa batas, katalinuhan sa negosyo, at pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Bilang isang kinatawan at pinuno ng negosyo, ipinagtanggol niya ang paglikha ng mga trabaho, mga programa sa pagbawi ng ekonomiya, mga hakbangin sa pabahay, at suporta para sa maliliit na negosyo, na umaayon sa maraming Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …