Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ARTE Partylist Lloyd Lee Shamcey Supsup
ARTE Partylist unang nominado na si Lloyd Lee at asawa nitong si Shamcey Supsup-Lee, Miss Universe 2011 3rd runner-up nang nangampanya at mag-motorcade sa San Ildelfonso,Bulacan.

Opening Salvo ng kampanya ng ARTE Partylist dinumog sa San Ildelfonso, Bulacan

KASABAY ng Araw ng mga Puso, isinagawa ng ARTE partylist, numero 14 sa balota, ang pambungad na sigaw ng kanilang kampanya na tinawag na ‘Ka-torse ang Ka-pARTE, sa San Ildefonso, Bulacan.

Pinangunahan nina Lloyd Lee, unang nominado ng ARTE partylist, at ng kanyang asawa na si arketikto Shamcey Supsup-Lee, isang beauty queen champion at third-runner-up sa Miss Universe, ang motorcade at kampanya sa San Ildefonso.

Mainit na tinanggap ng mga tao sa San Ildefonso ang ARTE partylist, na nagpasalamat din kina Mayor Fernando “Gazo” Galvez at Daisy Duran sa kanilang presensiya.

Sa ilalim ng pampolitikang adhikain – “Boses ng Malikhaing Manggagawang Pilipino sa Kongreso,” isinulong ng ARTE partylist ang interes ng Retail and Fashion, Textile and Tradition, Events, Entertainment, at ang Creative Sector.

Sinabi ni Lloyd Lee na sinusuportahan ng ARTE party ang kapakanan ng mga artistang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa kapital na benepisyo, seguridad sa trabaho, at patas na kompensasyon sa kanilang serbisyo at produkto.

Paghusayan ang inobasyon at pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsuporta sa makabagong teknolohiya upang maiwasang malampasan ng ibang bansa ang mga lokal na industriya ng sining, kanyang binigyang-diin ito.

Kasabay nito, ang ARTE partylist chapter sa rehiyon ng Bicol na binubuo ng ilang mga artist mula sa iba’t ibang probinsiya ng nasabing rehiyon ay lumahok sa Tinagba Festival sa Iriga City habang ipinakikilala nila ang partylist sa kanilang mga kababayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …