Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nathan Studios MMFF Lorna Tolentino

Nathan Studios sasali muli sa MMFF; Lorna bibida sa pelikulang pambata

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAABANG-ABANG ang pelikulang isasali ng Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Gigiling na ang Nathan Studios ulit, pang-Metro Manila Film Festival,” umpisang pahayag ni Sylvia Sanchez ng Nathan Studios.

Ngayon ‘yung ‘Topakk,’ R18, R16 kami… kasi ‘yung ‘Topakk’ was intended ‘yun abroad. Isinama lang namin dito sa Metro Manila Filmfest.

“Sinubukan namin, tinry, and ang dami naming learnings, ang dami naming natutunan dito sa Metro Manila Film Festival.

“Tapos ngayon, siyempre hindi naman puwedeng sa isang laban lang, susuko ka.

“Dapat lumaban ka nang lumaban, para manalo ka, ‘di ba? Parang maging maayos ‘yung pagsali mo sa Metro Manila Filmfest.

“At saka hindi lang ‘yun. ‘Yung mga ipalalabas mo rito, ang daming learnings doon. So maa-apply mo rito kahit hindi sa Metro Manila Filmfest.”

Dahil sa mga learning na iyon kaya alam na raw ni Sylvia ang mga gagawin sa susunod na pagsali ng Nathan Studios sa MMFF.

Sikreto muna ang mga detalye tungkol sa bago nilang MMFF entry, basta ang puwede lang munang ibulgar ay kasali si Lorna Tolentino dito.

Quiet muna, iyon ‘yung pang-Metro Manila Filmfest. Iyon ‘yung ipalalabas namin sa Metro Manila Filmfest,” pahayag ng actress/producer.

“Kasi hindi naman porke’t nag-ano kami sa Metro Manila Filmfest, ‘yung huling laban namin ‘yung ‘Topakk,’ hindi naman kami nag-stop doon eh.”

Pambata naman ang next MMFF entry nila.

Gusto lang namin, we want to be different. ‘Pag sinabing Nathan Studios ay kakaiba. Alam mo ‘yun? Kakaiba.

“Basta ito na ‘yung umpisa ng solong pag-distribute ng Nathan Studios.

“Ito na ‘yung path na gusto namin, na bilhin na movies abroad. At ayaw namin mag-stick sa family drama lang, gusto namin lahat, pati horror, lahat na genre,” kuwento pa ni Sylvia.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang nakaaaliw at heartwarming animated film na Buffalo Kids na mula rin sa Nathan Studios.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …