Sunday , March 16 2025
Jolina Magdangal Marvin Agustin

Jolens kinikilig inspirasyon sila ni Marvin ng maraming netizens

RATED R
ni Rommel Gonzales

KINIKILIG daw si Jolina Magdangal tuwing naririnig niyang nagsilbing inspirasyon sila ni Marvin Agustin at ang mga proyektong ginawa nila noon para sa maraming tao.

At ngayon, may bago silang pelikulang ipalalabas, ang Ex Ex Lovers.

Ako kinikilig ako,” bulalas ni Jolina.

Kasi sila ngayon ‘yung alam nila kung ano ‘yung nangyayari ngayon, alam nila ‘yung mga dapat napapanood na rin,” sinabi ni Jolina na ang tinutukoy ay ang direktor ng pelikula na si JP Habac.

Dagdag pa ni Jolina, “And iba na rin ‘yung ideas ngayon ng paggawa ng pelikula at ng istorya.

“So, parang ‘pag nasasabi na inspirasyon kami at ‘yung naging proyekto namin, parang ang sarap ng feeling dahil noong ginagawa namin iyon, hindi naman… ako noong ginagawa namin ‘yung movies namin hindi ko naman inisip na parang, ‘Ah, para good example ito.’

“Hindi, eh. Talagang in-enjoy ko lang talaga ‘yung movie na kasama si Marvin, ‘yung istorya ang ganda, para talaga roon sa edad namin noong time na ‘yun.

“So masarap ‘yung feeling. Ako minsan hindi pa makapaniwala, eh!

Pero minsan hindi na namin  tinitingnan ni Marvin, hindi na namin pinanonood kung ano ‘yung naging eksena namin kasi ako basta makita ko lang sila direk at saka maiyak sila or matawa sila, kiligin sila, that’s it pansit, iyon na ‘yun,” pakli pa ni Jolina.   

About Rommel Gonzales

Check Also

Kids of the World 2025

5 kabataan mula ‘Pinas nasungkit titulo sa Kids of the World 2025

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIMANG kabataan ang nag-uwi ng karangalan kamakailan sa ginanap na Kids of …

Michael Jackson Rodrigo Teaser

Rodrigo Teaser sa panggagaya kay Michael Jackson—It’s a tribute, I’m not trying to be like him

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAMUKHANG-KAMUKHA talaga niya si Michael Jackson. Ito kaagad ang nasabi namin nang …

Ruffa Gutierrez Anna Magkawas Luxe Skin Glowtion

Ruffa proud sa edad na 50

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AY naku, usapang ganda na lang tayo dahil pumirma si Ruffa Gutierrez ng …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

Ivana Alawi

Ivana Alawi walang K tawaging Darling of the Press! 

MATABILni John Fontanilla PARANG mali naman yata na sabihin ng iba na darling of the …