Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolens-Marvin tandem click pa rin

RATED R
ni Rommel Gonzales

HALOS 30 taon na sa showbiz sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Pero hanggang ngayon, malakas pa rin ang following ng dalawa, marami pa rin ang kinikilig sa tandem nilang MarJo.

Sa palagay ni Jolina, bakit hanggang ngayon ay damang-dama pa rin ang init ng pagmamahal ng publiko sa tandem nilang MarJo? Na relevant  pa rin sila ni Marvin as a loveteam at bilang magkahiwalay na personalidad.

Ako siguro dahil hindi namin binitiwan ‘yung mga nagsu-support sa amin, ‘yung mga nagmamahal sa amin.

“Na talaga namang bigay na bigay ang pagkakilig nila magkatinginan lang kami,” at tumawa si Jolina.

And siguro ang nangyari kasi roon hindi kasi namin ever ginawang script ni Marvin kung ano ‘yung gagawin namin.

“Minsan lumalabas na lang sa amin tapos iyon ‘yung natural, siguro nagba-bounce lang ‘yung aming energy na talagang kinikilig… ako kinikilig ako roon sa loveteam ha, talaga.

“Pero sana hindi lang din may movie ulit, talagang kahit ano pang gawin…at saka ang nangyari naman kahit nag-restoran si Marvin, ako naman mayroon akong mga iba pang projects na ginawa, hindi naman kami nagkaaway or hindi kami nagkagalit kaya siguro mayroong MarJo pa rin and mayroon ding Marvin and Jolina, ‘di ba?

“So… ‘pag mahal mo talaga ang industriya, I guess maganda rin ang ibibigay sa iyo, ‘yung isusukli sa iyo,” pahayag pa ni Jolina.

Kaya naman naniniwala kami na kikita sa takilya ang bagong movie nina Jolina at Marvin, ang Ex Ex Lovers na tungkol kina Joy (Jolina) at Ced (Marvin) pati na rin kina SC (Loisa Andalio) at Joey (JK Labajo).

Mula kay Antoinette Jadaone at Project 8 Projects, Cornerstone Entertainment at distributed locally ng Warner Bros. Pictures mapapanood sa mga sinehan simula February 12. Idinirehe ito ni JP Habac at sa panulat ni Kristine Gabriel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …