Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casiño Jerald Napoles Pepe Herrera

Albie agaw-eksena, ‘di nagpasapaw kina Jerald at Pepe

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUKOD sa nipples ni Jerald Napoles na laging nakatayo at sa matambok niyang puwet, nagmarka sa amin ang ipinakitang drama acting sa Sampung Utos Kay Josh ng Viva Films at Studio Viva.

May ibubuga si Jerald sa pag-arte, drama man o comedy, mabigyan lang palagi ng tamang materyal.

Mahirap ang papel na ginampanan niya sa pelikula, hindi lahat ng artista ay kayang itawid ang ginawa niya.

Maging si Pepe Herrera, hindi na kami nagtaka na tinanggap ang papel bilang si Satanas.

Sino ba namang artista ang madadaliang gumanap bilang hari ng mga demonyo? 

Pero si Pepe, pasado.

Nagulat kami kay Albie Casiño, kahit magagaling sina Jerald at Pepe, hindi ito natabunan  bilang lalaking maelya, maihiin, at todo-pasa sa buhay. 

Mahusay siyang suporta kay Jerald, sa totoo lang.

May mga eksena sa pelikula na ikatataas ng kilay, o malamang mapa-sign of the cross ang mga relihiyoso, and expected na iyon.

Pero may mga redeeming factor naman ang mga nakaka-shock na eksena. Sa madaling salita, may mga aral na mapupulot sa pelikula na magpapatunay na kailanman hinding-hindi magtatagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan. 

Palabas na sa mga sinehan ang Sampung Utos Kay Josh, sa direksyon ni Marius Talampas at panulat ni Sherwin Buenvenida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …