Tuesday , May 6 2025
DigiPlus BingoPlus Foundation Pusta de Peligro

Piolo, Maine, Kim nakiisa sa Pusta de Peligro campaign 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INILUNSAD kamakailan ng DigiPlus Interactive at ng kanilang social development arm, ang BingoPlus Foundation, ang Pusta de Peligro Responsible Gaming campaign sa pamamagitan ng tatlong magkaka-ugnay na short films.

Binigyang diin ng DigiPlus ang responsible gaming advocating para sa prevention, education, at intervention para matiyak na ang gaming ay ligtas at kasiya-siyang klase ng entertainment.

Dito’y nakiisa sina Kim Chiu, Maine Mendoza, at Piolo Pascual sa pinakabagong campaign para sa responsible gaming sa pamamagitan ng paglulunsad ng Pusta de Peligro short films.

Sa naganap na paglulunsad ng Pusta de Peligro sa Gateway 2 Cinema kamakailan ng DigiPlus at BingoPlus Foundation, ipinalabas ang tatlong short films bilang kampanya at panawagan sa pagiging responsable sa gaming ng mga Pinoy.

“Bet what you can afford para umiwas sa ‘pusta de peligro’ dahil ang gaming dapat fun fun lang,” ani Kim.

Paalala naman ni Maine, “Get the right support para umiwas sa ‘pusta de peligro’ dahil ang gaming dapat fun-fun lang.”

Laman ng tatlong Pusta de Peligro short films ang mensaheng huwag malulong sa sobrang pagsusugal at dapat fun at happy lang ang paglalaro.

Ang tema ng mga maiikling pelikula ay “Pag Pusta de Peligro na, pause Muna dahil ang gaming dapat fun fun lang.”

Base ang kuwento ng tatlong short films sa real life scenarios, na nagpapakita ng transition ng isang player mula sa level na libangan lang hanggang sa pagiging “risky.”

Inilunsad ang kampanyang ito  dahil may mga Pinoy na nalululong sa pagsusugal online.

Ilan sa mga bumida sa mga short film na ipinalabas sa naganap na event ang comedy actress na si Donna Cariaga at ang new male actor na si Los Akiyama.

Iginiit ng DigiPlus, solid ang kanilang dedikasyon sa responsableng paglalaro, matiyak na nananatiling ligtas, at libangan lamang ang e-games.

Ipinakilala rin ang Responsible Gaming Features sa DigiPlus Platforms kabilang ang self-exclusion features. Binibigyan nito ang mga manlalaro ng kakayahang kontrolin ang kanilang gaming habits.

Kasama rito ang daily gaming duration, pag customize ng daily gaming schedule para malimitahan ang pagkagumon sa gaming.

We want players to feel empowered to make wise choices, families to feel reassured, and communities to see gaming as a safe form of entertainment.

“The Pusta de Peligro campaign is a crucial step toward that vision,”  sambit naman ni DigiPlus Chairman Eusebio Tanco.

Dinadala rin ng DigiPlus at BingoPlus Foundation ang campaign sa mas mataas na antas, paggawa ng mga video patungo sa digital platforms, at nagiimbita ng komunidd para magbahagi ng mensahe ng responsible gaming. Dagdag pa sa digital advocacy, ang on ground initiatives tulad ng community workshops at live events para mapalawig ang kampanya at matiyak na mas maraming player na na-empower para mabalanse, at magkaroon ng tamang desisyon.

We’re just getting started,” sabi pa ni Tanco. “Responsible gaming is the foundation of a sustainable gaming industry. With Pusta de Peligro, we’re proving that advocacy and innovation can go hand in hand to create a safer, more enjoyable environment for all.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM …

Kiray Celis Mother P1-M Van

Kiray brand new van iniregalo sa ina (pagkaraang magbigay ng P1-M)

MATABILni John Fontanilla NAPALUHA ang ina ng actress/ businesswoman na si  Kiray Celis sa sorpresang ibinigay nito …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …