Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Verzosa Rhian Ramos Gel Alonte

Sam Verzosa abot ang pagtulong hanggang Biñan

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKABIBILIB si Sam Verzosa, kahit hindi naman niya sakop na lugar ay tinutulungan niya.

Kuwento niya noong nakausap siya nitong Disyembre 1 sa very early Christmas party ni Sam o SV para sa mga member ng media. “Mayroon kami sa Biñan Laguna, sa Alonte Complex, ‘yung mga cancer patient, kami ni Vice Gel may mga tinulungan kami, may hospice siya para sa mga cancer patient, mga 200 cancer patients, binigyan namin ng masayang Pasko.”

Kaibigan ni Sam ang incumbent Vice Mayor ng Biñan Laguna, si VM Gel Alonte.

Sa ano ang fulfillment ni Sam ganoong ang layo ng Biñan at hindi naman niya sakop sakaling magwaging Mayor ng Maynila ngayong 2025 election.

Imagine, napakalayo ng Maynila sa Biñan sa Laguna.

Aniya, “Wala naman sa lugar ‘yun, iisa lang naman ‘yan. Puro tao naman ‘yan.

“Basta kaya ko.”

Saang punto pa siya nagpapahinga? Paano pa siya natutulog at bumabawi ng lakas? Sa kabisihan niya sa kampanya, ang tulog niya, paano niya binabawi?

“‘Yun ang kulang.”

Ilang oras lang siyang matulog?

Six hours. Basta may six hours ako okay na ko.”

Sa exercise palagi, every day, hindi lang marathon, gym, may gym ako sa bahay.”

Araw-araw ang workout niya… “As much as possible. Sa morning, paggising kaunting buhat, takbo, mahaba kasi eh, kailangan ko ng lakas.

“Kaya kailangan ko magtrabaho rin.

“Kailangan kong magsumikap. Kailangan ko mag-business, kasi kung wala akong work at income, wala akong maitutulong.

“Kaya iyon ‘yung lagi kong sinasabi, tulungan mo muna sarili mo bago ka makatulong. Healthy, or kaya may business.”

Sina Sam at RS Francisco ang may-ari ng Frontrow, malaking tulong sa kanya ang kanilang mga beauty and wellness products both financially and health-wise.

Every morning, talagang Luxxe White, Luxxe Slim, Luxxe Renew, lahat po ng products ng Frontrow, iyan ang iniinom ko,” kuwento pa ni Sam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …