Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes

Andrea may insecurities pa rin kahit pinakamagandang babae; Walang time mainlab uli

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI ang pasasalamat ni Andrea Brillantes sa pagkakatanghal sa kanya bilang Most Beautiful Faces in the World for 2024 ng TC Candler, creator ng Annual Independent Critics List ng 100Most Beautiful Faces of the Year.

Bagamat pinakamaganda, hindi itinago ni Andrea na may insecurities pa rin siya.

“Full of gratitude, very honored na sa daming magagandang babae, napili ako maging top 1. Wala akong ibang masabi kundi thank you.

“Hindi naman kunwari maganda ka, iba ‘yung insecurities sa outside mo, and hindi ako perfect, walang perfect. May days na hindi ako ganoon ka-pretty, may days na nagbi-break out ako. Like ngayon, mayroon akong ‘sister’ diyan (referring to her pimple). It’s all about perspective, it’s all about your mindset,” pagbabahagi ni Andrea sa isinagawang Star Magic Spotlight presscon noong Martes ng hapon sa Coffee Project sa Will Tower. 

Subalit nilinaw ni Andrea na hindi niya hinahayaang magpakain siya sa insecurities.  “Worth it ba na maging insecure ako over this thing, or worth it ba na mag-depend ako sa mood na masisira araw ko? Pero yes, normal lang ma-insecure, normal na may good days and bad days ka,” paliwanag ng dalaga.

Bukod sa pinakamagandang babae, ipinagpapasalamat din ni Andrea na matagumpay niyang nailunsad ang kanyang sariling make up brand na marami ang tumangkilik. Kaya naman siya na ang tinaguriang youngest celebrity CEO sa industriya. 

“Happy pero may pressure kasi nga youngest. Ang hirap din niya, to be honest, na bagets ako pero CEO ako. Kasi alam mo ‘yung gusto mo maging boss pero lahat ng  nakakasama ko sa office, mas nakatatanda. 

“Kaya kailangan marespeto pa rin ako, but I have to stand my ground kapag nagiging boss ako. 

Pero buti nalang, very blessed ako sa mga nakaka-partner ko sa business ko,” pagbabahagi pa ni Andrea.

Sa kabilang banda, hindi naman nakapagtataka kung marami ang manligaw kay Andrea. Pero sorry, wala pa siyang napipili sa mga ito.

Inamin ni Andrea na marami ang nanliligaw sa kanya subalit wala siyang sinasagot sa mga iyon. Ang dahilan, ang kanyang career. Gusto kasi niyang dito muna mag-focus.

“Mayroon naman po talaga (manliligaw), pero hindi kasi ako nakaka-focus doon, lalo na last year. Talagang inaamin ko na sorry, pero I don’t really date or hindi ganyan ‘yung hinahanap ko,” sagot ni Andrea.

At nang matanong kung okey naman ba sa kanya ang makipag-date, tugon ng dalaga, “Noong nagdadasal ako kay Lord, sabi ko, actually I think nakakapag-heal ako, not 100% because I know nobody is 100% healed.


“I think ang laki na ng growth ko from last year. But at the same time, what if I’m just being isolated? Baka lumalayo lang ako pero hindi pa ako nakakapag-heal.

“So sabi ko, ‘Lord, I don’t know, maybe I can? Kung may darating or what, I’m open to it. I also want to be intentional about it.”

Sa kabilang banda, gusto namang maulit ni Andrea ang makapag-travel alone uli na nagawa niya before. 

“I travel scared. Sa mga hindi nakaaalam, takot ako sa planes, takot ako sa big, big rooms.

“May scoliosis din ako, so hirap ako magbuhat. Claustrophobic din ako. Ang dami kong mga phobia, dami kong ganoon.

“So hindi ako ‘yung pinakaiisipin mo na magta-travel. Hindi ako ‘yung pinaka-eligible for solo traveling kasi ang dami kong kinatatakutan. But I still do it afraid.

“I do it alone and afraid kasi ayoko hinahayaan na ‘yung fears ko ang mag-stop sa akin from having fun and doing what I want to do,” tsika pa ni Andrea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …