Monday , July 28 2025
Sipat Mat Vicencio

Laglag na si Bato, lumalaban pa si Bong Go

SIPAT
ni Mat Vicencio

DAPAT tanggapin na ni Senator Bato dela Rosa sa kanyang sarili na sa kasalukuyang sitwasyon ay wala na siyang puwang na muling manalo pa bilang isang senador sa darating na midterm elections sa Mayo.

Sabi nga, ubos na ang suwerte ni Bato, at makabubuting paghandaan na lamang ang patong- patong na kasong kakaharapin niya dahil sa kanyang papel na ginampanan sa ‘War on Drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kung tutuusin, matagal nang markado si Bato ng Palasyo, simula nang pasabugin niya ang tinatawag na ‘PDEA leaks’ na ang layunin ay guluhin ang kasalukuyang gobyerno at gibain si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

At kung pag-uusapan naman ang performance ni Bato sa Senado, walang tanging maaalala sa senador kundi ang mga galit at sigaw nito sa humarap na resource persons sa mga hearing sa kanyang komite.

Mapapansin din laging kulelat si Bato sa mga senatorial survey at hirap makapasok sa ‘Magic 12’ tulad nang isinagawa ng SWS at Pulse Asia na pumuwesto lamang ang senador sa ika-13.

Samantala, si Senator Bong Go, isa pang reelectionist ay patuloy na lumalaban at umaasang sa pamamagitan ng kanyang walang tigil na propaganda at ‘pangangampanya’ ay makalulusot sa darating na halalan.

Sa mga senatorial survey, hindi nawawala ang pangalan ni Go at kadalasan ay pumapasok sa ‘Magic 12’ ng senatorial race sa kabila ng mga kasong graft na kanyang kinakaharap gaya ng P6.6 billion government projects at P167-billion Philippine Navy frigate.

Mabigat ang pagsubok o magiging laban ni Go dahil kamakailan lamang inirekomenda ng House ‘QuadComm’ na kasuhan ang senador ng crime against humanity kaugnay sa tinatawag na extrajudicial killings o EJK sa panahon ng panunungkulan ni Digong.

Higit na umaasa rin si Go sa tinatawag na ‘Duterte magic’ na kung meron man itong natitirang bisa ay maaaring makatulong sa kanyang kandidatura at magluklok muli sa kanya bilang senador.

Pero sinasabi nga, si Bongbong ang kasalukuyang pangulo ng Filipinas at malaking bagay kung ang isang politiko ay kaalyado ng administrasyon dahil sa malawak nitong makinarya, organisasyon, impluwensiya, at pagkakaroon ng limpak-limpak na pondo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …