Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lumagui, pinuri ang BIR staff sa pagkamit sa kanilang 2024 collection target
BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr.

Lumagui, pinuri ang BIR staff sa pagkamit sa kanilang 2024 collection target

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakamit ang isang makasaysayang tagumpay sa pamamagitan ng pag-abot sa target ng Emerging Goal para sa 2024 na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC)na halagang Php2.848 trillion.

“Sa loob ng mahigit 20 taon, ang BIR ay nagsikap nang husto upang maabot ang collection target ng DBCC. Ngayong 2024 nagbunga ng sipag at pagsisikap ng bawat isa sa aming mga kawani. Mabuhay po kayong lahat!” ang pahayag ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. kamakailan.

Bagama’t kasalukuyang pinoproseso pa ang pinal na resulta, kinumpirma ng BIR na tiyak silang naabot ang Php 2.848 trillion na target. “Ang eksaktong mga numero ay malaman sa Pebrero, kaya’t inaasahan naming mahihigitan ba ang DBCC target,” dagdag pa ni Lumagui.

Maliban sa taong 2020 – kung kailan mababa ang target dahil sa pandemya – ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawampung taon na naabot ng BIR ang kanilang layunin. Bukod dito, ito ay nakamit habang mabagal ang pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa na umabot lamang ng 5.2% na mababa kumpara 6% noong nakaraang taon.

Ipagpatuloy pa ni Lumagui, “Ang pagka-kamit ng aming layunin ay hindi magiging posible kung wala ang suporta para sa aming mga programa sa buwis. Kami ay tapat sa pagpapalaganap ng mga repormang naaayon sa Good Governance.”

Simula nang maupo si Lumagui bilang pinuno ng BIR noong Nobyembre 15, 2022, siya ay kinilala sa kanyang hands-on na estilo ng pamumuno at sa pagpapalaganap ng kanyang apat na haligi ng mabuting pamamahala sa buong ahensya, na kinabibilangan ng: 1) matapang at agresibong mga hakbang sa pagpapatupad ng batas, 2) mahusay na serbisyo para sa mga nagbabayad ng buwis, 3) integridad at pagiging propesyonal ng institusyon at mga empleyado nito, at 4) digitalisasyon.

“Pinadali namin ang proseso para sa mga Pilipino na magbayad ng kanilang buwis, kay na-e-enganyo silang nagbabayad ng tamang buwis sa tamang oras,” binigyang-diin ni Lumagui.

Sa ilalim din ng kanyang termino, ang BIR ay nakagawa ng malalaking hakbang sa paglutas ng ilegal na paggamit ng “ghost receipts” o ang paggamit ng pekeng resibo at invoice upang makaiwas sa buwis sa kita at value added tax (VAT).

Itinatag din ni Lumagui ang Run After Fake Transactions (RAFT) task force sa kauna-unahang pakakataon sa kasaysayan ng ahensiya. Maliban sa mga ito, minarapat rin ni Lumagui na sumunod sa isang withholding tax system ang mga online store upang maging patas sa mga retail store na nagbabayad ng tamang buwis.

“Nagpapasalamat po kami kay Pangulong  Marcos Jr. sa kanyang gabay at suporta. Kaya naman sinuklian namin ito ng gilas at husay sa aming trabaho. Mayroon na po kaming makabuluhang sistema at pamamaraan na epektibo,” ika ni Lumagui. “Magpapatuloy ang BIR sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor at mga nagbabayad ng buwis. Kayo ang aming mga katuwang sa pagtataguyod ng bayan. Kung wala ang inyong suporta, hindi namin maaabot ang aming Php 2.848 trillion na layunin. Marami pong salamat sa inyong walang-sawang suporta sa amin,” patuldok niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link