Wednesday , January 15 2025
Gerald Santos

Gerald Santos tuloy kaso kay Danny Tan; nabunutan ng tinik nang humarap sa senado

HINDI paaawat sa pagsasampa ng mga kaso si Gerald Santos laban sa musical director na si Danny Tan na  umano’y nanghalay sa kanya noong 15-anyos pa lamang siya.

Nakausap namin si Gerald sa mediacon ng kanyang Courage concert na magaganap sa January 24 sa SM North Edsa Skydome with special guests, Erik Santos, Sheryn Regis, Aicelle Santos, at PPop Group Aster

Nakikipag-usap pa rin kami sa legal counsel na ibinigay sa amin ni Sen. Jinggoy Estrada, and naiintindihan ko naman kasi marami rin siyang hina-handle na cases so, medyo naba-backtrack kami but hopefully this month may resulta na, may magiging aksiyon na,” ani Gerald.

Binigyang linaw ni Gerald na wala pa talaga silang naipa-file na kaso pero umaasa siya na sa mga susunod na buwan ay magkaroon na ng development tungkol dito kasabay ng pagsasabing tuloy ang kanyang laban kay Tan.

Sinabi ni Gerald na kung sa kanya lang, okay na ang mailabas sa buong mundo ang katotohanan at ang kinimkim niyang sama ng loob at takot sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng Senate hearing.

“Pero hindi na po ito para sa akin lang kundi pati na sa iba pa niyang biktima na lumapit at nakipag-usap sa akin after ng mga Senate hearing. Sabi ko nga noong makaiyak ako sa Senate, ang laking tinik na nabunot sa dibdib ko, parang okay na nga ako roon.

“But ‘yung mga lumapit sa akin na iba pa niyang victims, particularly si Enzo Almario, I believe he really needs to face the law,” giit pa ng singer/aktor.

Idinagdag pa ni Gerald na forever grateful siya sa GMA 7 dahil doon siya nanggaling at nagkapangalan. Kaya kung sakaling may offer siya sa network na ito, tatanggapin niya.

“Ang naging tampo lang namin sa GMA ay hindi kami formally informed kung ano ang naging action nila sa complaint namin. We were left hanging, wala talaga kaming idea.

“We sent a letter pa na nangangamusta kung ano ang action na ginawa nila at ano ang resulta ng complaint namin, wala silang sagot.

“At after 14 years, sa Senate hearing doon namin nalaman na may ginawa pala sila, may action silang ginawa, kaya thank you na rin GMA,” wika ni Gerald.

Sa kabilang banda, may sinimulang advocacy si Gerald, ang Courage Movement na layuning tulungan ang mga biktima ng sexual abuse.

“I’ll be launching my advocacy, Courage Movement, to help ‘yung mga victim ng sexual abuse, harassment, rape, ‘yung mga ganoon.

“Kasi na-realize ko noong lumabas ako last year, how hard it was, doon sa mga biktima. I want to offer help. In every little way I can,” saad pa ng binata.

Sa concert ilulunsad ni Gerald ang Courage Movement na aniya ay parte ng kayang paraan na makapagbigay-tulong sa mga biktima ng sexual harassment.

“Through the movement, we aim to offer therapy sessions for victims. We are also planning on providing them legal assistance.

“To accomplish this, we are now in talks with various groups including the Public Attorney’s Office (PAO) and PAVE or Promoting Awareness, Victim Empowerment. It is a student organization dedicated to preventing sexual assault, dating violence, among others.”

Samantala, ibang-iba Gerald Santos ang masasaksihan at mapapanood ng netizens na magsisimula sa bago niyang kanta, ang Hubad.

“It’s a sexy soulful number that is meant to signal my newfound direction as singer,” anang binata na bolder at mas palaban ang image ngayon.

“I’ve been in this industry for years now and I feel the need to offer fans something new, something they would never expect from me.

Actually ‘Hubad,’ is also significant in another sense for me in that the title reflected how I felt last year. When I came out with my story, that of being molested by an industry insider at a young age, I felt naked divulging a really traumatic experience,” sambit pa ni Gerald.

 Available na ang mga ticket para sa Courage sa SM Tickets. Produced ito ng Echo Jam na may visionary productions and written, conceptualized and directed by Antonino Rommel Ramilo. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nathan Studios Buffalo Kids

Buffalo Kids pampamilya, hatid ng Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nathan Studios entry sa 50th Metro …

Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Arjo emosyonal habang nagpapasalamat sa ‘pamilyang’ nabuo sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales GIVEN na naman yata na kapag Metro Manila Film Festival, hindi …

BingoPlus The Kingdom Piolo Pascual FEAT

BingoPlus hosts an exclusive block screening of Piolo Pascual’s The Kingdom

METRO MANILA – BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, hosted another exciting …

Denise Esteban

Denise Esteban, excited sumabak sa teatro via “Anino sa Likod ng Buwan”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYANG ibinalita sa amin ni Denise Esteban na bahagi siya …