Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na kung anong mayroon siya ngayon ay pinaghirapan niya.

“Growing up, sobrang strict ng parents ko, as in OA. Hindi po ako spoiled growing up. I had to earn everything I have.

“So kung ano po ‘yung mayroon ako, I worked for it, even my toys, I worked for it.

“I guess, naging mahirap siya kasi growing up sobrang strict ng parents ko. 

“Tapos when they separated, binigyan nila ako ng freedom, which is good. 

“Pero naging mahirap siya for me kasi hindi ko alam saan ako mag-i-start. I grew up na lahat ng kilos ko bantay nila.

“I guess po nae-enjoy ko siya kasi kapag mayroong nagpapa-picture, sobrang saya nila.”

Pero sa sobrang bait nito sa mga humahanga sa kanya ay may insidenteng sa burol ng kanyang lolo ay may nagpa- picture sa kanya na ‘di niya natanggihan kahit umiiyak siya.

But sometimes mayroon pong isang incident na wake ng grandfather ko, tapos umiiyak ako tapos mayroong gustong makipag-selfie.

“Super bata pa po ako noon, mga 13. Growing up hindi ako marunong mag-say ng ‘No.’ 

“Imagine niyo po nandoon ‘yung kabaong ng lolo ko, umiiyak ako tapos may nagpapa-selfie. ‘Ah sige po.’

“I grew up na hindi ako marunong mag-‘No.’ Somehow ‘yun ang natutunan ko ngayon, na kailangan mo rin ng boundaries to protect your emotional, mental health,” aniya pa. 

Sa ngayon ay masaya si Jillian sa magandang nagyayari sa career at pagkatapos ng very successful na Abot Kamay Na Pangarap ay muli itong bibida sa 

My Ilonggo Girl kasama sina Michael Sager, Teresa Loyzaga, Arlene Muhlach, Andrea del Rosario, Richard Quan,  Arra San Agustin, Yasser Marta, Matt Lozano, Empoy Marquez, Geo Mhanna, Vince Maristela, at Lianne Valentin.


Napapanood na ang world premiere ng My Ilonggo Girl  na nagsimula noong Lunes, January 13, 9:35 p.m. sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …