Wednesday , January 15 2025
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Arjo emosyonal habang nagpapasalamat sa ‘pamilyang’ nabuo sa Topakk

RATED R
ni Rommel Gonzales

GIVEN na naman yata na kapag Metro Manila Film Festival, hindi ganoon kalakas kapag action film.

Noong araw, ang humahataw lamang na action film sa filmfest ay ang mga Panday movie ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr..

Kaya naman nitong nakaraang 50th MMFF, kami mismo, hindi na umasa ng super blockbuster results sa takilya ng Topakk ni Arjo Atayde.

Noong napanood namin ang movie, dalawa ang ipinagdasal namin, makakuha ng special award ang pelikula mismo at si Arjo bilang Best Actor.

Natupad naman dahil may konek pa rin kay FPJ ang napanalunang special award ng Topakk, ang Fernando Poe Jr. Memorial Award.

Iyong Best Actor award, okay na kami, hindi na masama na kay Dennis Trillo (ng Green Bones) kami natalo.

Iyong kita, puwede na iyong habulin kapag nabili na ng Netflix ang Topakk, baka mas malaking pera pa nga kapag sa naturang streaming platform iasa ang pagbawi ng puhunan ng Nathan Studios para sa kanilang Topakk.

At ang pinakamahalaga sa lahat, iyong pamilyang nabuo ng Topakk

Kaya sa Thanksgiving Party nila, naantig ang aming puso sa emosyonal na speech ni Arjo bilang pagkilala sa mga naging Kapamilya niya habang binubuo ang Topakk hanggang sa maipalabas ang pelikula sa mga sinehan.

Alam naming mahusay na aktor si Arjo, pero iyon ang mas nadala kami sa, ‘yung bukal sa puso at maluha-luhang pagkilala niya sa buong Topakk team; sa kanyang co-stars na sina Julia Montes at Enchong Dee at sa iba pang artista ng pelikula, sa staff and crew na hindi kinalimutan ni Arjo na banggitin. Maging ang media siyempre, kabilang tayo, ‘di ba, my editor Maricris Valdez, sa tulong na naiambag natin sa Topakk.

Teary eyed din si Arjo, maging kami, sa espesyal na pasasalamat niya sa mga magulang niya, kina Sylvia Sanchez at Art Atayde, na buong-buo ang tiwala at pagmamahal sa kanilang anak.

So hintayin na natin ang Topakk sa Netflix, at oo pala, sa Manila International Film Festival sa Amerika sa January 20 to February 2, 2025 na tiyak na muli itong aani ng tagumpay abroad.

About Rommel Gonzales

Check Also

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Nathan Studios Buffalo Kids

Buffalo Kids pampamilya, hatid ng Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nathan Studios entry sa 50th Metro …

Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na …

BingoPlus The Kingdom Piolo Pascual FEAT

BingoPlus hosts an exclusive block screening of Piolo Pascual’s The Kingdom

METRO MANILA – BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, hosted another exciting …

Denise Esteban

Denise Esteban, excited sumabak sa teatro via “Anino sa Likod ng Buwan”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYANG ibinalita sa amin ni Denise Esteban na bahagi siya …