RATED R
ni Rommel Gonzales
TODO ang suporta kay Senator Robin Padilla ng mga kilalang pandaigdigang eksperto sa cannabis para sa pagsusulong ng legalisasyon ng medical marijuana sa bansa.
Ito ay ayon sa nasasaad sa Sen. Bill No. 2573 o ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines na inakda ni Sen. Padilla.
Lahad ni Senator Robin, “The difference between the batch that makes you high and the batch that is medical, it’s really far.
“Kasi po ‘yung recreational kung saan-saan lang po talaga iyon tumutubo, kahit ibato mo lang ‘yung buto niyan, tutubo.
“Iyon po ‘yung recreational.
”Pero makikita po natin ‘yung difference ng medical cannabis talagang pharmaceutical grade talagang malinis.
“Talagang, kumbaga inaalagaan po nila ‘yung health talaga ng tao.
“So ganoon ko po siya ibinebenta. Talagang idinidirekta ko na po ang mga taumbayan na alam niyo po nahuhuli na po tayo.
“Huling-huli na po tayo. Kulelat na nga po tayo.
“Hindi ko maintindihan bakit ang Filipino bakit gusto natin laging kulelat tayo?
“Nauuna tayo biglang … ito ang sakit nating Pinoy eh, kasi masyado tayong, magaling talaga tayo.
“Nauuna tayo sa lahat ng bagay, pati sa Republika, una tayo sa Asia. Pero hindi tayo natututo sa pagkakamali natin.
“Iyong mga ibang bayan na nanonood sa atin, ‘yung mga kapitbahay natin, ‘O nauna na ‘yung Filipino, pag-aralan nga natin.’
“Sila natututo sa ating pagkakamali pero tayo, hindi tayo natuto,” bulalas pa ni Senator Robin.
“So ganoon din sa marijuana, ganoon din sa cannabis, andami nating dapat ginawa.
“Alam niyo po ba ‘yung hemp? Na iyan pong hemp na sinasabi nila, na ang Australia, ang Japan, nagtatanim na sila ng hemp.
“Tayo bawal pa rin!
“Alam niyo po ‘yung hemp iyan po ‘yung pinagkukunan ng CBD (cannabidiol) oil, na iyan po sa Japan, ‘pag nagpunta po kayo anlalaki ng five fingers, ‘pag nagpunta kayo sa Japan, kung saan- saan nga sa paligid sa Japan kasi makakabili na sila ng CBD oil na hindi ka hinuhuli.
“Eh dito po sa Pilipinas, kulong ka! CBD oil lang.
“Iyon po ‘yung mga ganoong bagay na paatras tayo, mga kababayan ko.
“Simple lang naman po ang gagawin kong pagbenta sa inyo ng medical cannabis.
“Iyong atin pong gobyerno laging umaangal kapag gustong bumili ng armas kulang ang budget namin kailangan naming bilhin ito, bilhin ito, lahat, lahat.
“Basta ‘pag galing sa ibang bansa welcome sa atin, gamot, lahat.
“Pero bakit pagdating dito sa medical cannabis masyado tayong kontra?
“Ano ba ang mayroon sa medical cannabis at hindi natin matanggap na ito ay gamot.
“Eh ‘yung lola ko naaalala ko ‘pag masakit ang tiyan ng lola ko pupunta sa bundok sa amin sa Cuyapo pupunta sa bundok kukuha ng “damoski.
“‘Di ba parang… matagal na itong gamot.
”So iyon po, ganoon ko po siya ibebenta, na matagal na po itong gamot, hindi ito bago.
“Walang testing sinaksak sa atin, ‘di ba mayroong isinaksak sa atin pumayag tayong lahat?
“Ito punompuno na ng testing po, lahat po ng bansa, na progresibo po ha, na tinatawag po nating talagang developed countries, mayroon na po silang medical cannabis.”
Naganap ang mga pahayag ni Sen Robin sa forum at mediacon na Science supports it, patients need it: Medicinal Cannabis Now.
Kolektibong isinusulong nina Sen. Padilla at ng global cannabis experts na sina Dr. Shiksha Gallow at Wayne Gallow ang pagsusulong sa medical cannabis na anila’y makatutulong sa pain management ng mga cancer patient, bukod pa sa ibang benepisyo.