DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas kahapon ng umaga, January 8. Ito’y para harapin ang inihaing warrant of arrest na inilabas ng Pasay court.
Umaabot sa P1.7-M ang halaga ng piyansa ni Rufa Mae kaugnay ng kaso ukol sa usapin ng Dermacare.
Ayon sa report, lumapag ang sinasakyang eroplano ni Rufa Mae kahapon ng 5:00 a.m.. Bago ito’y nakipag-ugnayan na ang abogado ng aktres sa NBI para sa boluntaryong pagsuko.
Kaagad namang sumailalim sa medico-legal examination si Rufa Mae bago dinala sa Pasay court.
Nahaharap ang aktres sa 14 counts of violation of Section 8 of the Securities Regulation Code.
“She will face those charges… mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that.
“She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser,” anang abogado ni Rufa Mae na si Atty. Mary Louise Reyes.
Sa programang Fast Talk with Boy Abunda kahapon, inihayag ni Boy Abunda, manager ni Rufa Mae na inaasahang makalalaya rin ang kanyang alaga kapag natapos ang piyansa, ito’y ayon na rin sa abogado ng aktres.