Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anjo Pertierra Mang Tani

Anjo idol si Mang Tani, minsang nagka-trauma sa bagyo

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAHIRAP ang obligasyon ni Anjo Pertierra na weather reporter ng Unang Hirit (na 25 years nang umeere sa GMA) na maghatid ng lagay ng panahon sa publiko na pinagbabasehan ng karamihan sa mga aktibidades ng bawat isa sa atin. 

Tinanong namin si Anjo kung paano niya nagagawang mas madali o mas simpleng maintindihan ng mga tao ang kanyang weather report?

“Ngayon po kasi… dati noong nanonood ako ng weather, idol ko po si Mang Tani talaga,” pagtukoy ni Anjo sa dating resident weather reporter ng GMA, ang Meteorologist na si Nathaniel Cruz.

Pagpapatuloy pa ni Anjo, “Pero ang napansin ko kasi dati, ‘yung may mga word na malalim eh, matalinghaga.

“So ngayon ang atake ho namin ‘yung maiintindihan ng lahat.

“So parang… in layman’s term. So mga simpleng salita pero direct to the point. At iyon po ‘yung nilalaman ng reports ng PAGASA, inire-relay lang po namin para po updated ‘yung mga Kapuso natin all these times mas lalo na sa mga pagkakataong kunwari may bagyo…

“Kasi hindi po simpleng uulan lang o maaraw ba, iba-iba po iyong epekto ng klima depende po sa lugar dito sa ating bansa.

“Kasi sa atin, maaari rito sa Metro Manila ulan lang pero sa ibang bahagi ng bansa, mas lalo na po sa extreme Northern Luzon eh binabaha na po sila ng sobra.

Kaya iyon po, ang ginagawa namin in layman’s term, direct to the point para po madaling ma-adapt or maintindihan ng tao.”

Speaking of bagyo, isa si Anjo sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Carina. Lumubog sa tubig-baha ang buong kuwarto ni Anjo na nasa basement.

Kumusta na ang kuwarto niya?

“Lumipat na po ako kasi na-trauma po ako,” bulalas ni Anjo. “Ang nangyari roon napuno ‘yung kuwarto ko po pa-basement, sa pababa.

“So imagine-in niyo po napuno siya hanggang ceiling. So nandoon lahat ng damit ko, pampasok, lahat, sapatos, gamit, lahat kasi nandoon, kama.”

Pero sa kabila niyon, kinabukasan ay pumasok pa rin siya sa Unang Hirit.

Binigyan ako ng damit ni Sir Ivan, binigyan ako ng assistance ni mommy Su, ni Igan, ng production po ng ‘Unang Hirit.’ Binigyan po ako ng pambili ng brief ni Shaira at saka ni EA.”

Bagong host din ng Unang Hirit si Shaira Diaz na girlfriend ng Kapuso actor na si EA Guzman.

Pagpapatuloy pa ni Anjo, “As in lahat po [nagbigay].

“Doon ko po naramdaman na sobrang mahal po nila ako kasi sa simpleng mga bagay naramdaman ko po na may kasama po ako at may katuwang po ako sa hirap at ginhawa ng buhay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …